Noah's POV Kung sa inaakala ni Rain na sila'y magiging maligaya ni Rumir sa huli, pwes isa lang iyong malaking pagkakamali. PAGKAKAMALI! Hinding hindi pwede na ako lang ang nalulungkot na nalulugmok sa sakit tapos sila ay masayang buhay ang mayroon. Kung hindi siya mapapasa-akin kahit kailan, sisiguraduhin ko na lang na hindi siya magiging masaya! Kami ang nagplano ni Alex sa pagbagsak ng helicopter. Si Alex ang naging piloto at ako ang naging assistant niya. Noong nakalayo-layo na ang lipad ng helicopter, palihim na naming inilabas ang klaseng gamot para mawalan na sila ng malay. May naghihintay naman kaagad na speed boat sa amin sa baba. Alam kong mali ito, pero anong magagawa ko kung puso at isip ko ang nagdidikta sa aking sarili? Ang mahalaga ay makakasama ko na si Rain sa wak

