Chris POV I though our best friend Rumir was finally living his kind of dream. But that is just a big mistake. Mukhang ito pa ang totoong simula ng kalbaryo sa buhay niya. Habang masayang nakatanaw kaming tatlo nila Lexter at Allen sa mabilis na helicopter na sinasakyan nila Rumir at Rain sa pagkakataong ’to, ganoong kabilis rin namang nagbago ang mga ngiti sa mga labi namin. Bumagsak ang kanilang sinasakyang helicopter sa dagat. Hindi ako nakagalaw kaagad sa aking pagkakatayo. Parang nabingi ako at nasemento ang mga paa ko ng ilang mga sigundo. “What the hell Chris? I SAID LET’S GO!” malakas na sigaw sa akin ni Lexter. Dali-dali kaming bumaba at ginamit ang pinakamabilis na sasakyan ni Allen. “’TOL BILISAN MO NAMAN MAG-DRIVE!” sigaw ni Lexter kay Allen. “CHILL BRO, GUSTO MO BANG

