Rain’s POV Inunat ko ang aking kamay, at umikot pa sa aking pagkakahiga. "Wait, parang hindi naman ganito kalambot at kalaki ang higaan ko." Bulong kong mahina sa sarili. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko dahil sa napakabangong roasted chicken. "OH MY!" tsaka lang ako ulit nagkaulirat na wala pala ako sa sarili kong kwarto! "Saan na kaya ‘yong kasama ko!" para akong butiki na mabilis na nakatalon mula sa higaan at dumaretso palabas ng kwarto! "You woke up because of the smell? Gutom ka na ba? I was about to wake you up kanina kaso mukhang pagod na pagod ka talga at gusto mong bumawi ng tulog." "A-anong oras na?" "Eleven pm na." Lumaki ang mata ko sa sinabi niya. "You slept for almond nine hours." "S-sorry." Saad ko habang kumakamot sa aking baba. "Uuwi na ako,

