Inadjust ko ang weight saka tumayo sa tapat ng equipment. Itinuturo ko ngayon kay Janine, isa sa mga regular member ng gym, kung paano ang dapat gawin para mas madali nitong matutunan ang paggamit ng equipment. Wala akong magawa kaya ako muna ang umaasiste rito.
"Keep your feet together. Then pull the bar down." Saad ko rito. "Raise it up until your chest. Then push it down again." Ibinalik ko na ang bar sa itaas at ito naman ang pinapwesto ko roon.
"15 reps muna." Sabi ko rito.
Tumango ito at hinila na ang bar pababa.
"Your feet." Puna ko rito. Tumingin ito sa paa nito at pinagdikit iyon. "Start. 1." Binilangan ko ito.
"Exhale as you push the bar down. 2."
She did as I instructed.
"Squeeze. 3."
"Good. 4"
"Tuloy mo lang. 5." Tuloy-tuloy ko lang itong binilangan hanggang sa matapos nito ang isang set.
She was breathing and sweating hard at. "Let's do another set. You have 30 seconds rest." Sabi ko rito.
Her face scrunched up. "30 seconds lang Steve? Pagod na ako." Reklamo nito.
I laughed.
"Oo. Mas bibigat ang katawan mo kapag matagal ang rest time mo." Saad ko rito. Pagkatapos ay tinignan ko ang relo ko. "10 seconds... 2, 1, 0. Start again."
Hindi man willing ay sumunod pa rin ito sa akin.
Napangiti ako.
"1." Inumpisahan ko ulit na bilangan ito.
"So you train people as well." Napalingon ako sa bandang kaliwa ko nang may marinig akong nagsalita. There I found Mr. Yan leaning on the ab crunch machine.
Pawisan ito. Marahil ay katatapos lamang ng session nito. Nakita ko ito kanina pagbaba ko na tinetrain ni Aaron, isa sa mga fitness instructor dito sa gym ko.
Ngumiti ako at tumango. "Yes. I was a fitness instructor before. Nagtre-train ako paminsan-minsan kapag wala akong ginagawa." Ibinalik ko ang tingin ko kay Janine at tahimik na nagbilang. "Tapos na ang session mo with Aaron?" Tanong ko kay Mr. Yan kahit na nakamasid ako kay Janine. Hinawakan ko ang balikat at lower back ni Janine nang makita kong mali ang form nito.
"Yeah." Narinig kong sagot nito.
"How was your first experience here at Tier One?"
"Not bad." Anito.
Again with his short response.
Ang tipid talaga nitong magbigay ng papuri. Una 'sounds nice', ngayon naman 'not bad'.
I wonder what kind of services can make this guy feel very satisfied.
"Stop. Rest ka na ulit Janine." Saad ko. "Gawin mo na ‘yung cool down routine, tapos we're done for this day." Tumango ito at naglakad na palayo. Pero bago ito umalis ay napansin ko ang makahulugang sulyap na iginawad nito kay Mr. Yan.
"I think Janine needs help." The guy on my left muttered. Pagkatapos ay mabilis nitong sinundan ang pigura ni Janine na papalayo na.
Napailing na lamang ako.
************
Six months later...
Naging abala ako nitong mga nakaraang buwan at hindi ko na matandaan kung kailan ako huling lumabas para magliwaliw. Kaya naman nang inaya ako ng mga kaibigan kong magtungo sa club ay kaagad akong nagpaunlak. Matagal na rin nang huli ko silang nakasama.
Kasalukuyan kaming nasa Zapheon Nightclub na magbabarkada kasama ang mga babaeng nakilala namin kanina.
"Steve, tara! Let's dance!" Narinig kong bulong ni Lucy sa may tenga ko. Lucy was one of the girls we met earlier.
Tumungga muna ako ng beer saka ibinaba iyon bago ako nagpatianod kay Lucy sa gitna ng dancefloor. Nakipagsiksikan kaming dalawa sa gitna ng mga taong nagsasayawan at nakiindayog rin sa tugtog.
The DJ was good. He’s got some nice mixes.
Lucy turned her body and begun grinding her butt on my front, teasingly. I smirked and held her waist, delightedly. I bent my head down and inhaled her scent.
Damn, she smells nice.
Afterward, she leaned her back on me as her hands wandered around at the back of my head. Then she took off my cap and wore it.
At that moment the beat changed.
Humarap si Lucy sa akin sabay kawit ng braso nito sa leeg ko. We wildly danced until we were both covered with sweat. She tried kissing me a couple of times in the middle of dancing but I managed to avoid it.
Ilang sandali ang lumipasy, napagpasyahan naming bumalik na muna sa table namin nang makaramdam kami ng pagod. Pagbalik namin roon ay nanatiling nakadikit sa akin si Lucy habang nakikipag-inuman at nakikipagkwentuhan kila Ralph, ang isa sa mga barkada ko.
"You don't kiss?" Bulong sa akin ni Lucy. Nakayakap ang isa kong kamay sa baywang nito.
I leaned in and whispered, "I don't, but I'm good in bed."
"I like that." She winked at me.
I smirked.
"Mauna na ako." Baling ko sa grupo.
"Agad? Mamaya na." Ani Ralph.
Nakilala ko ang kaibigan kong ito noong katatayo pa lamang ng gym ko.
"Gago Steve. Ngayon ka na nga lang sumama sa amin tapos aalis ka na naman agad." Reklamo ni Lino. Nakilala ko naman ito dahil kay Ralph. Magkakasosyo ang dalawa sa negosyo nilang car dealership.
"Bawi na lang ako next time. Sagot ko na iinumin niyo. Send me the bill." Nagpaalam na ulit ako sa mga ito at lumabas na ng Zapheon habang nakahawak sa baywang ni Lucy.
Pagkatapos ay naglakad na kami papunta sa lugar kung saan nakaparada ang kotse ko.
Nang sandaling iyon ay bigla kaming nakarinig ng kalabog sa ‘di kalayuan kasunod ng isang malakas na tili. Paglingon ko sa pinanggalingan ng tunog ay may nakita akong limang lalaki na nakapalibot sa isa pang lalaki. At sa isang gilid naman ay may isang babae na nakatayo at halatang hindi alam ang gagawin. Marahil ay ito ang tumili kanina. Hindi ko gaanong maaninag ang hitsura ng mga tao roon dahil medyo madilim sa parteng kinaroonan nila.
"Tang ina mo! Girlfriend ko ‘yang nilalandi mo, tarantado!" Sigaw ng isang lalaki sabay kwelyo sa isa pang lalaki.
Tumawa ang lalaking kinikwelyuhan at saka nang-uuyam na nagsalita, "Your girlfriend? But she's the one who flirted with me first dude. You're probably not satisfying her enough."
I frowned in confusion when I heard the voice of the guy who last spoke. It sounded familiar.
Natigil ako sa paglalakad.
Nagtatakang tumingin sa akin si Lucy. "What's wrong?" Tanong nito.
Pero hindi ko ito pinansin at nanatili lang akong nakatingin sa away na nagaganap 'di kalayuan. Inaaninag ko ang hitsura ng mga tao roon.
"Hey baby, why don't you just come with me and leave this man? You don't look good together."
Nagdikit ang mga kilay ko nang marinig ko ulit ang pamilyar na boses na iyon.
I knew it. It was really him.
The face of Jeffrey Yan flashed on my mind.
"Gulo ‘yan, Steve. C'mon, let's go. Baka madamay pa tayo d’yan." Narinig kong sabi ni Lucy. Tumingin ako rito.
She's right.
Nag-umpisa na ulit kaming maglakad papunta sa sasakyan nang makarinig ulit ako ng ingay mula roon.
Natigil ulit ako sa paglalakad.
Paglingon ko sa gawi nila ay eksaktong dumapo ang kamao ni Mr. Yan sa pisngi ng kaaway nito.
And as if on cue, the other four guys joined the brawl and started ganging up on Mr. Yan.