Chapter 6

1163 Words
Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong nakadagan sa tiyan ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at tinignan kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na iyon. When I saw the face of the man sleeping beside me, everything that happened last night came flashing in my mind. After drinking, we somehow just ended up in my bed. I didn’t mind him sleeping in my bed since we were both guys anyway. Inisod ko ang kamay ni Mr. Yan at dahan-dahang bumangon sa kama ko. Oh right… Jeff… In the middle of our drinking session, I accidentally called him Mr. Yan and he rebuked me for being so formal. So now, I call him by his nickname. Nagtungo muna ako sa banyo para maghilamos at magtoothbrush bago ako naghanda ng makakain sa may kusina. Studio type ang pad ko kaya tanaw ko mula sa kusina ang kabuuan ng bahay. Tinignan ko ang oras sa wallclock sa may sala. Mag-aalas dos na ng hapon. Kaya naman pala kumakalam na ang sikmura ko sa gutom. Noong nawala ang mga magulang ko ay natuto ako sa mga gawaing bahay. Hindi ako marunong magluto dati pero dahil sawa na ako sa pagkain sa labas ay pinag-aralan ko ang pagluluto. Pamula noon ay nakahiligan ko na ang iyon. Biro nga ng mga kakilala ko ay ang sama ko daw. Bubusugin ko daw sila ng sobra sa sarap ng luto ko tapos masisira ang diet nila, kaya wala silang magagawa kundi ang magpamember sa gym ko para magwork out. Pinagmasdan ko ang mga natitirang ingredients na nahanap ko sa ref. “Not enough…” Mahinang turan ko. Kinuha ko ang wallet ko at napagpasyahan munang bumaba para mamili ng mga ingredients. May malapit na supermarket dito sa gym ko. Hindi ko alam ang gustong pagkain ni Jeff kaya ang namili na lang ako ng mga sangkap ng isa sa mga paborito kong pagkain, ang escabeche. Kasabay niyon ay namili na rin ako ng iba pang grocery items na wala sa bahay. Pagkabalik ko sa pad ay kaagad ko nang inayos ang mga lulutuin ko. Sa kalagitnaan ng pagluluto ay may narinig akong nagsalita sa may likuran ko. "Marunong ka palang magluto Steven." Pupungas-pungas na saad ni Jeff. "Hm. Okay lang ba sa'yo ang isda?" "Oo." Sagot nito mula sa likuran ko. Kapagkuwan ay narinig ko ang langitngit ng upuan. "Patapos na 'to. Teka lang." Sabi ko rito. "Sige lang." Pagkatapos maluto ang ulam ay inihain ko na iyon sa mesa, sunod ay ang bagong saing na kanin at isang pitsel ng katamtaman ang lamig na tubig. Pagkaupo ko ay nag-umpisa na kaming kumain. Pagsubo nito ng isang kutsara ay manghang tumingin ito sa akin. "Ang sarap!" Papuri nito. Ngumiti ako at sinabing, "Madami pa d’yan." Sanay na ako sa ganoong reaksyon. Madalas ko iyong nakikita sa mga kaibigan ko. Tumango ito at sunod-sunod ang ginawang pagsubo. "Nakuha mo na ba ‘yong sasakyan mo?" Tanong nito habang ngumunguya. Tinignan ko ang relo ko saka tumango. "Kung walang aberya, baka nakabalik na ‘yong inutusan ko kanina na kumuha ng sasakyan ko sa Zapheon." "Good." Anito. Muli itong nanahimik at patuloy lang na kumain. Paglipas ng ilang sandali ay natigil ako sa pagsubo nang may maalala ako. "Wala ka palang pasok ngayon? Late na tayo nagising." "It's fine. Julia can take care of it. She's my secretary. Ikaw ba? Hindi ka ba nila kailangan sa baba?" Tanong nito bago uminom ng tubig. "Kapag kailangan nila ako kanina pa tumatawag ‘yong mga iyon." Natigilan ako nang makita ko na naman ito na sumasandok ng kanin at ulam. Patatlong beses na nito iyon. Alanganing tumawa ito nang makita nito ang reaksyon ko. “Masarap eh." Komento nito sabay kibit-balikat. "Paborito ko kasi ang isda." He added. "Ako ito mismong putahe na ‘to ang paborito ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto mo, kaya ito na lang." "Okay nga eh." Anito. "I already forgot when did I last ate a homecooked meal." He added. "Bakit? Wala bang nagluluto sa inyo? Hindi ka ba nagluluto?" Tanong ko rito. Sa taas ng posisyon nito sa trabaho imposibleng wala itong mauutusan na magluto kung gugustuhin nito. "I live alone and I barely cook. Ang alam ko lang ay magluto ng simpleng pagkain. Madalas umoorder na lang ako ng lunchboxes saka ipapadeliver sa condo ko. Homecooked meals hit differently." "Ilang taon ka na ba?" I asked. "29. Ikaw?" "26." "Ang bata mo pa pala." Komento nito. Natatawang tumingin ako rito. "Tatlong taon lang ang pagitan natin." "I'm turning 30 in two months." Anito. "Ang tanda mo na Jeff." Biro ko rito. "Hoy, ikaw mismo ang nagsabi sa akin na tatlong taon lang ang pagitan natin." "Malayo pa ang birthday ko eh." Saad ko rito sabay tawa. "Anong trabaho ng mga VP?" "Finding clients and more clients. Tapos ay hinahandle ko ‘yong mga trabaho na walang oras si Leo na asikasuhin. Kaya madalas absent ako rito sa gym kasi marami akong business trips abroad. Mga ganitong panahon lang ako pwedeng magliwaliw, kapag naayos ko na lahat ng trabaho na dapat ayusin. Pumupunta ako sa clubs para uminom at magrelieve ng stress. Iyon na nga ‘yong naabutan mo kaninang madaling araw." "Panibagong stress lang ginawa mo eh." "Hindi ko naman kasi alam na may boyfriend na pala yung babaeng ‘yon. Siya kaya itong lumapit sa table ko." I laughed. "Oo nga pala nabanggit mo kanina nung nagiinuman tayo mahilig ka sa motor. Anong motor mo?" "Ducs. Minsan kapag libre ako isasama kita sa road trip ko. Magandang pang-unwind yun. Kung gusto mo ikaw din ang magdrive eh." Anito. Excited akong tumingin rito. "Sabi mo yan Jeff ah." Tumawa ito. "Oo nga." "Mahilig ako sa mga big bikes at manood ng races. Matagal ko na ngang gustong bumili ng big bike sa sobrang pagkahilig ko." "Bakit hindi ka pa bumili?" "Ngayong taon pa lang siguro. Inuna ko kasi ang pagbabayad ng utang ko sa kaibigan ko, 'yong sinabi ko sa'yo na tumulong sa akin para mapatayo itong negosyo ko, atsaka yung expansion ng gym ko." Paliwanag ko rito. Tumango ito. "I can let you borrow mine for the mean time. I have two big bikes. One ducati and one yamaha. Mamili ka kung alin doon ang gusto mo.” He paused for a second before saying, “Oo gano'n na nga lang, kaysa ipadrive ko pa sa'yo yung akin. Ipahiram ko na lang sa'yo yung isa." Anito. Nabitawan ko ang kubyertos ko sa sobrang gulat. Namilog ang mga mata kong nakatingin rito. "Seryoso?” Hindi makapaniwalang sambit ko. Nangangati na ang mga kamay ko na humawak ng big bike. "Oo nga. Let's go to a circuit first para magamay mo muna ang pagdadrive ng two wheels bago tayo bumyahe ng malayo." He nonchalantly said. Napangiti ako sa sobrang galak. Para akong bata na pinahiram ng laruan. Iniimagine ko pa lang ang sarili ko sa tabi ng big bike ay hindi na ako mapakali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD