Pagkatapos naming kumain ni Jeff sa Simmons Mall Baguio ay naghanap kami ng hotel na matutuluyan.
Actually, this was my first time coming here in Baguio. Madalas ay papuntang South lang ang byahe ko.
We visited every decent hotel we could find, but unfortunately, they were all fully-booked. Ayon sa napagtanungan namin ay dahil iyon sa summit na magaganap rito sa Baguio ngayon.
Alas nuebe na ng gabi ay nasa daan pa rin kami ni Jeff, naghahanap ng matutuluyan. I was beginning to feel the exhaustion from the long ride, but I don’t regret coming here. Patungo na kami ngayon sa huling hotel sa travelguides list na nakita namin online. Hopefully, may available room na sila doon.
***
"Miss, do you have an available room?"
I flashed the most charming smile I could give to the female receptionist in front of me. Desperado na talaga akong magkaroon ng mahihigaan. The drive was fun, but my body was now begging for a nice and soft mattress to lie down.
The woman nodded her head in a daze.
Puno ng galak ang mukha kong tumingin kay Jeff. Tumaas din ang isang sulok ng labi nito.
However, it was only a fleeting moment of happiness.
Nabigo din kaagad kami nang biglang nagsalita ang isa pang lalaki na kasama nito at sinabing, "Sir, I apologize for my colleague's irresponsible response to your inquiry. Unfortunately, there’s no more available room in our hotel."
My gaze darted down to his chest. Base sa name tag nito, manager ang posisyon nito. Namumulang nagyuko ng ulo ang babaeng nakausap namin at tahimik na tumabi para bigyang daan ang superior nito.
"Kahit isang room lang? Kailangan lang namin ng matutuluyan ngayong gabi. Pakitignan naman oh." Pakiusap ko dito. Nilalamig na rin ako. Manipis na long sleeves lang ang suot ko. Nakita ko sa weather forecast kanina sa TV sa lobby noong isang hotel na pinuntahan namin na naitala pala ngayong gabi ang pinakababang temperatura sa Baguio.
The manager looked at me hesitantly for a second before tapping the keyboard and checking the screen. A few seconds later, he looked at me apologetically and said, "Sorry, Sir. Wala po talaga."
"May alam ba kayo na pwede naming matuluyan ngayon dito?"
Tumahimik ang Manager, wari'y nag-iisip. Paglipas ng ilang sandali ay nagsulat ito sa isang papel.
Jeff and I patiently waited for him to finish scribbling on the paper.
"Ito po ang mapa papunta sa transient home ng Auntie ko. Hindi ko po sigurado kung may bakante pa o occupied na lahat ng units niya, pero... subukan ninyo Sir. Sabihin niyo na lang po ang pangalan ko, Martin." Anito sabay abot samin ng isang papel na may rough drawing ng daan pamula dito sa hotel papunta sa transient home na tinutukoy nito. Simple lang ang drawing pero naroon lahat ng kailangan naming malaman, kagaya ng landmarks at pangalan mismo ng transient home.
"Sige. Maraming salamat." Taos-pusong pasasalamat ko rito.
"Wala pong anuman. Hindi kalayuan ‘yan mula dito sa hotel. Makakarating rin kayo kaagad." Anito.
Tumango ako at muling nagpasalamat rito bago kami naglakad ni Jeff palabas ng hotel.
"Higang-higa na ako." Reklamo ko rito habang naglalakad kami.
Tumawa ito. "Sana okay na ‘tong pupuntahan natin." Anito.
****
Si Jeff ang nauna dahil mas kabisado nito ang daan rito.
I followed closely behind him until we reached our destination several minutes later.
I looked at my side and saw a three-story building above ground and two basement floors. The building looked like it was newly constructed and a decent place to stay in. I looked up and saw the signage—Marie's Transient Home.
Looks like we're in the right place.
Sabay kaming bumaba ni Jeff sa motor at kinausap ang nakaduty na guard.
"Manong may available pa kayong matutuluyan rito?" Tanong ni Jeff.
"Naghahanap kayo ng transient home Sir?" Balik-tanong nito.
Malamang.
Transient home itong binabantayan niyang building kaya ano pa ba ang ipupunta namin dito?
Ngali-ngali kong barahin ito, pero naghahanap talaga kami ng matutuluyan ngayon kaya hindi na ako umimik pa.
"Oho." Sagot ni Jeff.
Binuksan nito ang gate at pinatuloy kami. Pagkatapos ay isinara nito ulit iyon at inilock bago kami iginiya sa loob. Habang naglalakad kami ay may nakasalubong kaming isang ginang na naka-duster.
"Ma'am Marie, naghahanap daw po sila ng matutuluyan." Sabi ng guard rito.
Pinagmasdan kami ng ginang mula ulo hanggang paa, wari'y kinikilatis.
"Sabi po ni Martin, may transient home daw po ang Auntie niya kaya dito kami tumuloy." Mabilis kong ipinialam rito.
"Kilala ninyo si Martin?" Tanong ng ginang.
Tumango ako bilang tugon.
"2,500 per night. Dalawang kwarto iyon. May sala, mag kusina, at banyo na din. Kumpleto lahat ng kagamitan roon. Kung gusto ninyong magluto, pwede kayong magluto. ‘Yon nga lang hindi ko na sagot ang ingredients. Ilang condiments lang ang mayroon doon. May ref at heater. May hot water din ang shower. May cable ‘yong tv at may wifi din." Mahabang saad nito.
My face brightened. Finally!
"Sige po kukunin na namin." Mabilis kong sabi rito. Baka mamaya ay magbago pa ang isipan ng ginang.
"Ilang gabi?"
Nagtatanong ang mga matang tumingin ako kay Jeff. Sinalubong nito ang tingin ko.
Biglaan lang itong lakad naming ito at hindi namin napag-uusapan kung gaano kami magtatagal rito sa Baguio.
"Gusto mo bang magbakasyon muna o balik rin tayo agad bukas?" Tanong nito.
"Ikaw? Hindi ka ba hahanapin sa trabaho mo?" Balik-tanong ko rito.
"Hindi naman. Kasi kagagaling ko lang sa business trip. Pinayagan ako ni Leo na mag-unwind for ilang days." Sagot nito. "Ikaw? Paano ‘yung gym?"
"Alam na ng mga tao ko ang gagawin nila kaya ayos lang na mawala ako ng ilang araw. Tatawagan ko na lang sila mamaya." Sagot ko rito.
Sabay kaming natahimik. Parehas na nag-iisip.
Sabagay, maganda ring magbakasyon muna dito. Hindi masamang magpalit ng environment paminsan-minsan.
"Three nights? Ililibot kita dito sa Baguio." Anito.
"Three? Sige." Tugon ko sabay tango. Bumaling ako sa ginang at sinabing, "Tatlong gabi po kami rito."
"7,500." Anito.
Mabilis na kinuha ko ang wallet ko sa bulsa ng pantalon ko para sana kumuha ng pambayad, ngunit bago ko pa mabuksan iyon ay nagkapag-abot na si Jeff ng ilang lilibuhin.
"’Yong limang daan, pakibabaan na lang ho kami ng ingredients na maluluto bukas pang-agahan. Okay lang ho ba ‘yon?" Tanong ni Jeff sa babae.
"Oo. Isasabay ko na iyong sa inyo kapag namalengke ako mamayang madaling araw. Ano ba ang gusto ninyong ipabili?" Tanong nito.
"Kahit ano pong isda. Panggata o paksiw. Kung anong magkakasya d’yan sa limang daan. Atsaka bigas na din ho." Sagot ko rito.
"Sige. Hintayin ninyo ako dito at kukunin ko lang ang unan at kumot ninyo. Bagong laba ang mga iyon.”
Pagkaalis nito ay sinamantala namin iyon ni Jeff para ipasok ang mga motor namin sa loob.
Pagbalik ng ginang ay may dala na itong dalawang unan at dalawang kumot. Tinulungan ko itong magbitbit bago namin ito sinundan pababa. Naiwan na ang guwardiya sa poste nito para magbantay.
Pagkarating namin sa tutuluyan namin ay binuksan ng ginang ang ilaw. Tumambad sa harapan namin ang hitsura ng transient home. Hindi man ganoon kagarbo ang interior, ang mahalaga ay malinis naman iyon.
"Ang pangalan ko nga pala ay Marie. Kapag may kailangan kayo, kumatok lang kayo doon sa may pintuan malapit sa may guardpost. Doon ang bahay at opisina ko." Anito habang binubuksan ang heater. Sunod ay isinaksak naman nito ang ref at tv.
"May mga tanong pa kayo?" Tanong nito kapagkuwan.
Sabay kaming umiling ni Jeff.