Pagkatapos kong ihatid si Cole sa bahay niya ay kaagad din akong umuwi.
Pagkarating ko ay hindi ko na naabutan pa si Jeff. Wala nang pagkain sa mesa at maging ang mga plato at baso ay nahugasan na. Naglakad ako patungo sa may ref.
Bahagyang tumaas ang isang sulok ng labi ko nang makita ko doon ang mga tirang pagkain na masinop na nakalagay sa mga lalagyan.
Tahimik kong isinara ang pinto ng ref saka nagtungo sa banyo para maligo.
**
"Jeffrey, kailan mo ititigil 'to?"
Natigil ako sa paglalakad at napalingon sa likod ko nang may marinig akong nagsalita.
Hindi ako nagsalita.
"Tuwing sasapit itong araw na' to halos magpakamatay ka na sa pag-inom ng alak. It has been more three years bro. Why can’t you move on?" Naiinis na sambit ni Leo nang wala itong makuhang tugon mula sa akin.
"Mind your own business." Sagot ko rito sabay talikod at saka itinuloy na ang paglalakad ko.
"You have to report tomorrow. I will not approve that one week leave. I need the old Jeffrey back. You hear me?!" Narinig kong sigaw ni Leo mula sa likod ko habang naglalakad ako palayo.
I ignored him and continued walking until I boarded the elevator. As the door closed my reflection came to view.
I stared at myself.
I looked miserable.
Today is her birthday…
I first met her a few years ago on this same day.
I courted her for a year. And then we started dating exactly on her birthday as well.
I was planning to propose on her birthday of the same year I came back to States with Leo. But all of my plans went down the drain when I caught her cheating on me.
Since then, this day has lost its meaning.
Move on? I wish it was that easy. Ako rin naman gusto ko nang mag-move on. Sawang-sawa na ako. Pero bakit ‘yung sakit, kahit anong pilit ko ay ayaw pa ring mawala?
I thought time would heal everything, but I just got used to the pain.
At kagaya ng isang taong nabalian na kahit maghilom man ay paminsan-minsan kapag umuulan ay may mararamdaman ka pa ring kirot.
It was like every time the rain falls, the pain gets worse. And whenever it rains, you'd be reminded of your idiocy... Of what and who caused your injury.
I took out my key from my pocket and pressed the unlock button. Sumakay na ako ng sasakyan ko at pinaharurot iyon palayo ng Simmons Mall.
**
Napalingon ako sa may passenger seat nang marinig kong tumunog ang cellphone ko.
Hinagis ko iyon doon kanina pagkasakay ko ng sasakyan ko. Kasalukuyan akong nagmamaneho pabalik ng main branch. Kagagaling ko sa 2nd branch dahil inobserbahan ko ang performance ng mga newly hired employees. Ito ulit kotse ang ginamit ko imbis na ang motor dahil panay ang ulan nitong nakaraan.
Nag-signal ako pakanan at tumigil sa gilid ng daan saka inabot ang cellphone na tumigil na sa pagtunog.
And as soon as I picked it up, it rang again. Tumaas ang kilay ko nang makita ko kung sino ang tumatawag.
"Hello." Bati ko kay Jeff. May naririnig akong music sa background nito.
"Ambagal mo namang sumagot." Reklamo nito. His speech on the other line sounded slurred.
Is he drunk?
"Nagdadrive ako. Bakit ka napatawag?" Tanong ko rito.
"Nasa Republika ako ngayon. Tara samahan mo ako." Yaya nito. Bahagyang kumunot ang noo ko.
"’Yung bar?" Tanong ko rito.
"Oo." Kumpirma nito.
"Sige. Diretso na lang ako d’yan." Saad ko rito. Muli kong ihinagis ang cellphone ko sa upuan saka nag-drive patungo sa kinaroroonan ni Jeff..
Pagkalipas ng ilang minuto ay ipinarada ko ang sasakyan ko sa may parking area ng bar saka pumasok sa loob. Dumako ang tingin ko sa harap kung saan may kasalukuyang nagpapatugtog na live band.
Habang naglalakad ay inilibot ko ang mata ko at hinanap ang pigura ni Jeff sa paligid.
After several seconds of searching, I finally spotted him sitting in the corner drinking. Mabilis akong nagtungo doon.
"Anong ginagawa mo rito?" Sabi ko rito pagkalapit ko.
Tumingala ito at ngumisi. He waved at me. "You're finally here! Ang tagal mo." Reklamo nito sabay tungga sa natitirang laman ng baso nito. Then he poured another round.
Tinignan ko ang mga nakakalat na bote ng alak sa mesa. Dalawa doon ay wala nang laman. Wala ito ni isang pulutan.
I sat in front of him.
Itinulak ni Jeff ang baso nito sa harapan ko at ipinagsalin ako ng alak. I took the glass and drank it in one gulp. My face scrunched up when I felt the burning sensation in my throat.
"Walang pulutan?" Tanong ko rito. Jeff laughed and called a waiter to order food and more drinks.
"Bakit ka naglalasing ngayon? Anong okasyon?" Tanong ko rito pagkaalis ng waiter.
"Wala lang. Trip ko lang." Anito sabay ngisi.
"Sus." Komento ko saka ibinaling ang tingin ko sa may gawi ng maliit na entablado. Pinagmamasdan ko ang babaeng kumakanta sa harapan.
I heard Jeff chuckle and ask, "Type mo?"
Liningon ko ito sabay kibit-balikat. "Okay lang." I answered.
"Ako ang type niyan. Kanina pa tingin ng tingin sakin eh." Jeff said while smirking.
"Nauna ka lang na dumating kaya sa'yo nakatingin. Walang mapagpilian eh. Pero pagkapasok na pagkapasok ko sakin na nakatingin yan." Kontra ko rito.
Humalakhak si Jeff. "Pustahan? Ako ang lalapitan niyan mamaya."
"Sige ba." I confidently answered. "Mas gwapo ako sa'yo." I abruptly added. Jeff laughed louder.
"Asa ka pa. Mas lamang ako ng ilang paligo sa'yo." Anito habang tawa.
I turned my head and stared at the woman on the stage. I didn’t bother replying to Jeff’s teasing.
We’ll see…