""Carole .." "Yes?" Huminto ako sa paglakad sa hallway at nilingon ko kaagad ang nagmamay-ari ng boses na tumawag sa akin . "Feisty.." nakataas ang kilay na sagot niya sa akin . "Gusto ko lang sana na tanggalin ang portrait ng Kasal ninyo sa silid ko ." Ipokritang utos ni Grace sa akin . Isang linggo na simula ng siya ay tumira sa Lochgoil . Sa araw-araw na magkasama sila ni Gabriel sa dining room , nag-uusap sa living room , naglalakad -lakad sa beach ay magkahalong galit , lungkot at awa ang nararamdaman ko . Lungkot para sa relasyon naming dalawa ni Gabriel . Galit Kay Grace dahil sinasamantala Niya ang kahinaan ni Gabriel , bunga ng kaniyang amnesia . Awa para sa aking sarili dahil hindi ko Alam kung aalis ba ako at magparaya , o manatili sa tabi ng aking asawa.? "Hindi

