NAPAKUNOT-NOO si Yumi nang makitang tumatawag sa kanya si Abet sa pamamagitan ng video call. Wala naman kasi siyang naalala na kailangan nilang pag-usapan matapos ang check-up niya dito bago siya umalis papunta ng Paris, France. “Doc, hi!” pagsagot niya sa video call nito. Sinalubong siya ng ngiti nito. “Hi, musta ka na?” Nagtataka pero ngumiti na lang siya. “Ayos naman. Natawag po yata kayo? Is there anything I can help you with? May problema ba sa recent check-up ko?” hindi na niya napigilan itanong. “Actually, wala naman. But I’m here because I want to talk to you about something personal.” Tumango-tango siya. “You look serious. But yeah, sakto wala na akong masyadong ginagawa,” sagot niya. “What do you want to talk about?” tanong pa niya. Huminga ito ng malalim. “I came he

