“HI YUMI,” bati sa kanya ni Abet sa kabilang linya matapos sagutin ang tawag nito. “Abet, napatawag ka.” “Nakauwi na ba si Carlo?” Kumunot ang noo niya. “Hindi pa… ba—” Hindi naituloy ni Yumi ang sasabihin nang marinig niya ang pagpasok ng kotse ng asawa sa garahe ng bahay nila. “Nandito na siya,” aniya. “Good. Alalayan mo siya. Talk to him. Namatayan kasi siya ng pasyente kanina. He tried to save him, but it didn’t work. He felt so devastated. Mabait at nakasundo na kasi niya ang pasyente na ‘yon dahil sa tagal nang sa kanya nagpapatingin. He’s twenty-three years old. Parang nakakabatang kapatid na ang turing niya. Naisip ko lang kasi baka hindi sabihin ni Carlo sa’yo.” Nakaramdam ng lungkot si Yumi para sa asawa. Huminga siya ng malalim. “Sige ako na ang bahala. Thank you f

