CERISE KANINA pa ako kinakabahan dahil pumayag akong makipagkita sa babaeng tumawag sa akin kagabi. Mabuti na lang at pumayag si Angelo na umalis muna ako sandali. Malaki kasi ang kutob ko na kilala ko ang tumawag sa akin. "Tatayo ka lang ba diyan?" tanong niya nang puntahan ko siya sa napag-usapan naming tagpuan, "gutom na ako sa kakahintay sa’yo. Magpakain ka kaya." Hanggang ngayon ay wala pa ring nagbago at tama nga ako, kilala ko siya. Siya si Tiya Melba. "Ano ang kailangan mo?" tanong ko. "Ganyan mo na babatiin ang taong kumupkop sa’yo pagkatapos mamatay ang ina mo?" may halong pangungutya niyang saad. "Wala akong utang na loob sa’yo kaya kung wala kang matinong sasabihin, aalis na ako," saad ko saka nagsimulang umalis. "Nag-iba ka lang ng ayos pero ikaw pa rin ‘yung Ceris

