ANGELO PILYO akong ngumiti habang hinihiling sa kanya na halikan ako kapalit ng hindi namin pagsakay sa dalawa pang rides. Siyempre, inaasar ko lang siya. Alam ko kasing hindi pa siya handang gawin ang bagay na ‘yun ngunit nagulat ako nang sabihin niyang, "hindi pa nga ako nahalikan ng boyfriend ko tapos ikaw kung makahingi, wagas!" "May boyfriend ka na?" wala sa sarili kong naitanong sa kanya. Alam kong wala siyang boyfriend maliban na lamang kung ang tinutukoy niyang boyfriend ay ‘yung ka-online relationship niya na si Tristan. "Oo at mahal na mahal ko ‘yun ," hindi ako makapaniwala sa narinig ko. "T-talaga?" para akong tangang nagtanong. "At saka huwag kang presko dahil mas sweet pa ang boyfriend ko sa’yo," saad niya kaya hindi ko mapigilang itanong ito, "Eh kung hihingi ba ang boy

