Madilim ang mukha ni Leo nang tumingin sa akin. Sa akin naman ay baliwala lamang at 'di natakot sa galit nito. Subalit nakita kong tumayo ang lalaki mula sa pagkakaupo sa sofa. Pagkatapos ay malalaki ang hakbang niya habang papalapit sa aking kinaroroonan. Kaya naman naghanda ko. At nang alam kong malapit na siya sa akin ay agad kong itinaas ang aking kamay papunta sa mukha nito. Kaya kang ay maliksi nitong nasalo ang aking kamao na tatama sana sa kanya. Muli ko ring itinaas ang isa ko pang kamay para muli itong atakihin. Subalit ganoon pa rin. Muli na naman nitong nahawakan ang kamay ko. "Hindi sa lahat ng pagkakataon ay palagi kitang pagbibigyan, Icel!" "Hindi naman kita pinipilit na pagbigyan ako! Bitawan mo nga ako dahil uuwi na lang ako!" sigaw ko sa lalaki. Nakita kong lalong h

