Bakas ang saya sa mukha nito habang kumakain sila ng agahan, nakaidlip ito kanina matapos ang mainit nilang pinagsaluhan. Tila takam na takam itong nakatingin sa pork chop na nasa pinggan nito. Hindi pa man sila nakakaupo kahat ay nauna na itong kumain na tila ba ay wala sila doon. Pagtingin niya sa mga magulang nito ay gaya niya nakangiti na nakamasid sa kilos nito. "The baby want pork chops that much." Bulong ni Elsian sa kanya. "Kaya nga, mukhang ihahanda natin ang mga blood pressure natin." Biro ni Papa. "Masarap?" Biro ni Jelliene sa kakambal nito. "Oo sobra. Gusto mo? Sorry di ako mamimigay kulang pa samin ni baby to e." Sabi nito na muli na naman sumubo ng kanin at ulam. "Ayos lang meron din naman ako niyan." Nakalabing sabi ng kakambal nito. "Upo na kayo, pasensya na at naun

