Makalipas ang ilang araw ay nandito silang lahat sa mansiyon ng mga Rivera. Kasama ang kanilang Mama, Papa ang Kuya niya at ang kanyang kakambal kasama si Elsian at ang mga anak nito. Dumating na daw ang result ng DNA na ginawa sa kanila ng Lola ni Red. "Kinakabahan ka?" Tanong ko kay Jelliene. "Hindi naman, ikaw ba?" Balik tanong nito sa kanya. "Hindi, bakit naman ako kakabahan. Sana naman bilisan ni Lolo ang pagbabasa para naman di ka atakihin sa puso. Kanina. Kapa namumutla e." Tudyo ko dito. "Tsss nag bangayan na naman kayong dalawa, pareho lang naman kayong namumutla sa nerbiyos." Si Kuya. Katabi niya si Red, habang kalong ng mga Yaya ang mga anak nila. "Pustahan tayo." Si Kuya. "Ano naman ang pusta."tanong ko dito. "Ikaw Julliana ano boto mo, match or not match." Tanong n

