Catherine Pareho kaming nakatingin ni Dale sa kama ng kwarto niya. Kanina pa kami parehong nakaligo pero hanggang ngayon nakatayo parin kami. "Matulog na tayo."sabi ko, tumango naman si Dale. "Sa floor na lang ako-" "Hindi na kailangan, malaki naman ang espasyo ng kama."kaswal na sabi ko at pumunta na ako sa kama. Agad akong humiga, at sumunod naman siya. Pagkahiga niya, tumalikod ako kaagad. Pinikit ko na ang mata ko pero biglang nagsalita si Dale kaya napamulat ako. "Catherine."hindi ako kumibo. "Galit ka parin ba sa akin?"sunod niyang tanong. "Hindi ako galit sayo."sagot ko. "Pwede ka bang humarap sa akin."nanatili parin akong nakatalikod. "Wala naman akong gagawin sayo, gusto lang kitang makita. Ilang araw mo na kasi akong iniiwasan."bumuntong-hininga muna ako bago ako humar

