Catherine Two Years Ago. "Ayoko."matigas kong sagot kina Mommy at Daddy. "Catherine, sumunod ka sa kagustuhan namin."saad ni Daddy pero umiwas lang ako ng tingin. "Anak, ginagawa namin ito para sa kabutihan mo."napatawa ako sa hangin. "Kabutihan? Kailan pa naging mabuti ang pilit na ipapakasal ng mga magulang ang kanilang anak sa hindi kilalang lalake."bumalik ang tingin ko kina Mommy at Daddy. "Anak, hindi naman estrangherong lalake si Dale. Kaibigan ko ang mommy niya tapos barkada pa siya ng kuya mo. Ilang ulit na nga siyang pumunta dito."paliwanag pa ni Mommy pero umiling ako. "Mom-Dad, may boyfriend ako-"nakita ko ang pagdilim ng paningin ni Daddy. "Hindi ko pinagkakatiwalaan ang boyfriend mo."seryoso akong tumingin kay Daddy. "Hindi niyo pinagkakatiwalaan o dahil mahirap siya

