"Ma'am nasa labas po si sir Oliver." ani ng isa sa mga kasambahay ni Natasha. Natuwa naman si Natasha ng malaman na dinadalaw siya ni Oliver. "Talaga? Papasukin mo." excited na sagot nya. Agad nag-ayos si Natasha ng damit nya, nag lagay ng napaka pulang lipgloss at inayos ang kanyang buhok. Excited na excited siyang bumaba, mukhang na realized na ni Oliver na mas worth it siya kaysa Anya. Ngumiti siya ng matamis pagkakita kay Oliver na naghihintay sa kanya. Kasama nito ang pinsan nitong si Dylan. "Oliver!" nag panggap siya na medyo nahihirapan sa paglalakad para akalain nito na malala ang lagay nya. Hindi naman siya pinansin ni Oliver sa halip ay si Dylan ang lumapit sa kanya na agad nya namang iniwasan. Pagkalapit nya kay Oliver ay kumapit agad siya sa mga braso nito. "Thank you s

