Nakahiga lang ako sa kama ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Nakabukas ito at wala akong balak sarhan. Wala din ilaw ang buong bahay kahit man lang gasera. "Lo, sabi mo palalagyan mo pa 'to ng kuryente? Bakit ganon nang-iwan ka na?" Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Sa loob ng isang oras na pag pigil ko ng iyak ay naiiyak na naman ako. Naalala ko kapag wala akong ilaw dito sa loob ng kwarto ko dinadalhan ako ni lolo Ronaldo ng gasera at sinisindihan ito. Pero ngayon ay wala na siya parang biglang dumilim ulit ang mundo ko. Napatigil ang pag-iyak ko ng maramdaman ko ang mga kaluskos sa paligid at mga yapak. Bumangon ako at tumingin sa labas ng bintana. 'Bakit may mga naka men in black na naglalakad?' Marami sila at mukhang papunta mismo sa bahay ni lolo Ronaldo. Agad akon

