Tanya's POV
Hindi na siya nakatanggi pa kay Sir Luke dahil hindi talaga ito umaalis sa kinatayuan nito kung hindi siya kakain ng hapunan. Napilitan na lamang siyang tumayo, iniwan niya muna ang kanyang tatay sa kwarto nito. Hatiran nalang daw niya ito ng pagkain kapag tapos na siya maghapunan.
Nahihiya man pero sumunod nalang siya sa boss nila. Nagpati-una na ito sa paglakad patungong dining table. Naabutan nila si Manang Tasya naglalagay na ng pagkain sa mahabang mesa. May dalawa pang kasambahay na nakatayo sa gilid na sa tantiya niya ay ka-edaran niya lamang ang mga ito.
"Senyorito Luke, handa na ang hapunan." agad na wika ni Manang Tasya ng makita sila nito.
" Kumain ka ng marami iha, uuwi ka pa sa inyo." bati din nito sa kanya.
" Maraming salamat po manang Tasya." wika niya. Bigla siyang nakaramdam ng gutom ng makita niyang maraming pagkain ang nakahain sa lamesa. Mas lalo na doon sa sinigang.
Pa-simple siyang lumingon sa paligid hinahanap niya ang mga magulang at kapatid nito kung meron man. Nakapagtataka kasi wala pa ito sa hapag-kainan.
" Wala dito ang mga magulang ko nasa abroad sila may ina-asikaso din silang business namin doon." wika ng binata na nakatingin na sa kanya. Nakita siguro nito na may hinahanap siya.
"Umupo kana para makakain ka na din." wika ulit nito. Inusog nito ang katabing upuan, ibig sabihin dun siya uupo sa tabi ni sir Luke.
" Salamat sir Luke." ingat na siya sa sasabihin niya ayaw nitong may po.Baka maparusahan na naman siya nito ng halik.
Sabagay mas gustuhin nalang niya parusahan. Kung ganun ba naman kalambot ang labi at mabangong hininga ang hahalik sayo lugi ka pa ba.
Tanya, iyan ka na naman nasa harapan ka ng pagkain. Saway ng magkabilang-isip niya.
"Tikman mo ang sinigang ni manang tasya masarap siyang magluto." basag nito sa pananahimik niya. Kinuha pa nito ang mangkok para madali siyang makakuha.
" Paborito mo lang talaga iya senyorito ang sinigang kaya nasarapan ka niyan." sabad naman ni manang Tasya na nasa gilid lang nila nakatayo. Habang ang dalawa naman ay tahimik lang din.
Subrang espesyal ang pakiramdam niya sa gabing ito. Dahil pinagsilbihan din siya ng mga kasambahay ng boss niya.
" Talaga po? paborito ko din ang sinigang manang Tasya.Masarap nga." masaya niyang sabi na kay manang Tasya na ang atensyon niya. Buti nalang talaga nandito lang ito nakatayo hindi masyadong awkward sa pakiramdam.
Narinig niyang tumikhim si sir Luke kaya nakuha nito ang atensyon niya.
" Kumain ka pa ng marami para magkalaman ka ng kunti, ang payat mo." mahina nitong wika, sakto na siya lang ang makarinig.
Agad naman siyang napatingin sa braso niya. Hindi naman ako payat ah, sadyang malaking tao lang ito kaya nasabi niya iyon.
Tahimik na sila g kumain dalawa ng biglang may bagong dating.
" What's up bro." wika nito.
Panabay silang napalingon sa may-ari ng boses. Nagulat pa siya isang matangkad na lalaki at guwapo din ito. Pero mas gwapo si sir Luke at medyo malaki ang katawan ng boss niya kumpara dito.
" Take a sit, Larry. Kasisimula lang namin kumain." wika ni sir Luke.
" Hey, who is this beautiful lady beside you kuya?" agad na tanong nito. Umupo na ito sa kabilang upuan sa harapan niya.
" Tanya po, tauhan ni sir Luke sa LS construction." agad niyang sagot sa tanong nito.
" She's mang Lito's daughter so, f**k off." banta ni sir Luke dito.
" Hey, come on bro.Wala akong gagawing masama, gusto ko lang magpakilala." natatawang wika sa nangangalang Larry nakataas pa ang dakawang kamay nito. Kapatid siguro ito ni sir Luke may pagka hawig ang mukha nila parehong gwapo at ang magaganda ang mga mata nila.
" Hi Tanya, I'm Larry Sebastian naka-babatang kapatid ni kuya Luke.If you can see parehas kaming gwapo." wika nito. Kabaligtaran naman sila ng ugali cool lang ang personality ni sir Larry samantalang naka-intimidate naman ang pagkatao ni sir Luke masyadong seryoso sa buhay.
" Kumain kana Larry, masyado mong iniisturbo si Tanya." sabad naman ni sir Luke na medyo may inis sa tono nito.
" Hindi naman,okay lang sir Luke masaya naman kausap si sir Larry." wika niya,na ika-busangot naman nito.May mali yata sa pagkasabi niya.
" Come on kuya, Tanya's enjoying my company mas lalo siyang napa-sarap sa pagkain." sang-ayon naman ni Larry. "By the way, how young you are Tanya? " dagdag na tanong ni sir Larry sa kanya.
" twenty-three na ako, fresh grad palang ako kaya first job ko sa LS construction." mahabang wika ko. Maayos naman kausap si sir Larry, magaan nga agad ang loob ko sa kanya. Parang gusto ko siyang maging kapatid na lalaki.
Nilingon ko si sir Luke, tahimik lang itong kumakain habang nakikinig lang sa amin. Pero pansin ko ang pagkayamot nito sa kapatid niya habang si sir Larry naman ay pangiti-ngiti lang ito sa kuya niya.
" Oh I see, may dahilan na pala akong magpunta sa kompanya mo kuya para dalawin ka." wika nito na parang ini-inis niya lalo ang kuya niya.
" Stay what your doing Larry, kung ayaw mong ipa-cut ko lahat ng cards mo." sagot naman ni sir Luke dito. Pinagbantaaan pa nito ang kapatid.
" If you don't mind Tanya, do you have a boyfriend or .." diretsahang tanong ni Larry sa kanya. Hindi na nito tinapos ang nais pa nitong sabihin ng sumagot siya
" Ahmm, wala pa po. Hindi ko pa priority."
" Whoah, really? sayang naman ang ganda mo king wala ka pang boyfriend." saad nito.
Ngumiti lang siya,gusto na niyang matapos sa pagkain para magtigil na ito sa kasasalita sa kanya. Medyo awkward na kasi ang topic naka focus na sa kanya.
" Ahmm, may pag-asa pa pala akong manligaw sa magandang binibini ni mang Lito, diba kuya? " nakangisi nitong sabi na nakatingin na kay Luke.
Alam kong nagbibiro na lamang ito pero hindi ko maiwasang mang-init ang magkabilaan kong pisngi. Napaka-straight forward naman nito. Palibhasa playboy kaya sanay na sa gnitong usapin.
" Finish your food Larry. May pag-uusapan pa tayo. Puntahan mo ako sa office ko pagkatapos mong kumain.Excuse me." mahabang wika nito. Nagpunas na ito ng napkin sa bibig. Nilingon muna siya nito,bumulong pa ito sa kanya.
"Just wait for me,ihatid kita " wika nito sabay tayo para pumanhik na sa itaas.
Naiwan naman siyang nakatulala sa lamesa. Ngitian lang din niya si sir Larry habang tahimik na itong kumakain.
Ano daw? Just wait for me,ihatid kita. Iyan ang mga katagang paulit-ulit pa niyang narinig galing kay sir Luke.