Nahanap na ang katawan ni Gelbin, kaya muli itong idinikit sa kanyang ulo. Masakit pa rin isipin na wala na ang kaibigan ni Grandpa. Naging mabait ito sa akin, at noong nawala si Grandpa ay siya ang tumulong sa akin at nagturo kung paano maging isang magaling na reyna. I will never forget his kindness in me, and this kingdom. Nilibing din agad namin si Gelbin sa Royal cemetery. Hindi man siya isang hari, o di kaya kasali sa royal family ay tinuturing ko pa rin siyang kapamilya, and he is the leader of the gnomes village. Isa siya sa naging dahilan kung bakit ako nandito ngayon at lumalaban para sa kapayapaan. “Aislinn, magpahinga ka muna.” Sabi ni Ilaria at tumabi sa akin. Nandito ako ngayon sa may garden at nakaupo sa may bench habang nakatingin sa fountain. Hindi ko alam pero

