CALLUM’S POINT OF VIEW “Callum, we need to make a plan! Hindi pwedeng magpadalos-dalos nalang tayo sa huling digmaan.” Sabi ni Miaveria nang makapasok siya sa aking kwarto. Isang buwan na ang nakalipas noon nang nakipaghiwalay ako kay Aislinn at sumama ako pabalik sa Ravenia kasama ang aking asawa na si Miaveria. Agad din akong humanap ng paraan kung paano ko mapapatigil at matatalo ang dark king na nasa loob ng aking katawan. Ayaw ko nang maulit na nasasaktan ko si Aislinn. Hindi ko kayang makita na sinasaktan ko ang nag-iisang babae na mahal na mahal ko. Kapag kino-kontrol ako ng dark king at siya ang gumagamit ng aking katawan, nakikita ko lahat ang kanyang ginagawa. Gusto ko siyang pigilan kapag nagsimula na siyang gumawa ng masama pero hindi ko kaya. Masyado siyang malaka

