Pagkatapos kong makipag-usap kay Titus ay napagtanto ko na kailangan kong intindihin si Callum. Hindi naging maayos ang pag-uusap namin kahapon at nagpadalos-dalos sa mga salitang nilalabas sa aming mga bibig. Kaya ngayon, kung uuwi man ngayon si Callum ay gusto ko ulit makipag-usap sa kanya. Gusto kong mag usap kami ng seryoso at maging rasyonal sa magiging desisyon. Nang makauwi ako ay nahimik ang paligid, siguradong nasa paaralan pa ang kambal. Naglakad ako diretso sa kwarto. Natigilan ako bigla nang mabuksan ko na ang kwarto namin ni Callum. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Callum na hawak-hawak ang aking silver sword na nakatutok ngayon sa kanyang tiyan. “Callum!” Mabilis siya napatingin sa akin. Kita sa kanyang mukha ang lungkot at panghihina. Napa

