Nag re-ready na kami ngayon papunta sa Gnomes Village. Kasama ko sila Ilaria papunta do’n, akala ko ay sasakay kami ng kabayo papunta doon pero nagkakamali pala ako. Kotse ang gagamitin naming papunta sa Gnomes Village. Nalaman kong ang Avalon lang pala ang may ganitong sasakyan sa mundong ito. Ang Avalonian lang kasi ang pwedeng pumunta sa normal na mundo kasi may headquarters din sila dun na pinamumunuan ni Gabriel. “Mag-ingat kayo doon, Apo.” Sabi ni Grandpa at hinalikan ako sa aking noo. Ngumiti ako at tumango. “Seven, protect the princess at all cost.” Seryosong sabi ni Grandpa kay Seven. “Yes. My king.” Sabi ni Seven at bahagyang yumuko bago ako pinasakay sa kotse. Magkatabi kami ni Ilaria sa likuran, habang ang dalawang lalaki naman ay nasa harapan. Si Dom a

