Nang makarating ako sa bahay ni Callum sa forbidden forest ay agad kong nakita sa labas ang kambal na naglalaro. “Amelia! Gaius!” pagtawag ko sa kanilang pangalan. Napatigil sila sa paglalaro at napatingin sa akin. “Ate Aislinn!” sabay nilang sabi at tumakbo palapit sa akin at niyakap ako. Niyakap ko din sila pabalik at parehong hinalikan sa pisngi. “Nasaan si Callum?” “Nasa loob po.” Sagot ni Amelia at hinila na ako papasok sa bahay. Nakita ko naman si Callum na nagpapainit ng tubig. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. “I’m glad you came.” Ngumisi ako. “Of course. Hahayaan ba kitang umalis na wala ako?” Tumawa siya at muling binalik ang atensyon sa pagpapainit ng tubig. Nang kumulo na ito ay nilagyan niya ng ininit tubig ang ami

