Mabilis akong nakarating sa palasyo ng Ravenia. Wala pa rin itong katao-tao at madilim ang paligid. Bigla akong kinabahan para sa kambal. Nasaan kaya sila? “Ate Aislinn!” Agad akong napatingin sa aking likuran nang marinig ko ang boses ni Amelia. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko silang dalawa ng kanyang kambal na si Gaius na maayos. Mabilis ko silang niyakap at tinignan kung may pasa ba sila o wala. “Huwag po kayo mag-alala, Ate. Nagtago po kami ni Gaius para hindi kami masaktan ni haring Lorcan.” Nakangiting sabi ni Amelia. “Mabuti naman kung ganun. Nasan si si Callum? Nakita niyo ba siya?” Bigla akong napatingin kay Gaius nang makita ko itong parang natatakot. “Gaius, anong nangyayari?” kinakabahan kong tanong habang nakatingin sa kanya. Hi

