Episode 40

1191 Words

“Huwag ka na bumalik dito ng hindi ko nalalaman. Ayokong may mangyaring masama ulit sa iyo at masaktan ulit kita. Hinding-hindi ko na mapapatawad ang sarili ko.” Malamig na sabi ni Callum sa akin noong pinapakain niya ako.   Huli ko na ding kita ‘yun sa kanya simula no’ng umalis ako. Naging maayos na din ang aking mga sugat at salamat kay Amelia. Muli niya akong ginamot gamit ang kanyang kapangyarihan. Nagtanong ako kay Callum kung paano mapapabalik si Ilaria sa dati at sabi niya ay kong ipalabas ang sumanid kay Ilaria gamit ang aking kapangyarihan. Dinala ko na din ang aking silver sword pauwi sa palasyo.   “Dom, pakawalan mo na ako dito. Parang awa mo na, Dom!” pagmamakaawa ni Ilaria habang nakagapos parin ang buong katawan.   “Aislinn, nagmamakaawa ako, nahihirapan na si Ilaria.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD