“Omg! Ang ganda.” Sabi ko nang makalapit kami ni Callum sa Temple. Nasa likod ako ni Callum ngayon habang siya naman ay nakahawak sa aking kamay. Sabi niya ay mas mabuti nang ganito kasi baka may biglang umatake sa amin. Pero parang nawawala ang takot ko bigla habang nakatingin sa lugar. Kahit saan ka pa tumingin ay puro gold ang makikita mo. Paano kaya kung kumuha ako ng gold dito tapos bumalik sa normal na mundo? Baka maging instant mayaman ako! “Aislinn…” Natigil ako sa aking pag-iisip nang tawagin ako ni Callum. Tinuro niya ang nasa harapan namin nang makapasok kami sa temple. Nanlaki ang aking mga mata nang may makitang isang Silver sword sa gitna nang temple. Kitang-kita ito kasi ito lang ang naiiba ang kulay dito sa loob ng temple. “The sil

