``````` Pareho silang nagulat, lalo na si Selene dahil baka mabuko siya ng binata. Hindi niya akalaing pati dito ay mag-krus ang landas nilang dalawa. “Oh, nandito ka rin sinusundan mo ako nuh!” Pang-aasar niya sa binata para hindi ‘to maghinala. “Tsk, sino ka ba para sundan ko?!” Malamig na tanong sa kanya ni Randy, lalong lumawak ang ngiti niya. “Girlfriend mo duh, tara shot samahan mo ako!” Aya niya sa binata at hinila palabas ng restaurant. Gusto niyang maglabas ng sama ng loob, dahil kahit matapang siyang makipagsagutan kanina ay masakit pa rin. Lalo na't nakikita niyang mas importante na ngayon ang pangalawang pamilya ng kanyang ama. Nagtataka naman si Randy, dahil ngayon lang niya nakita ang lungkot sa mga mata ng dalaga. Gustuhin man niyang tumanggi dahil magkikita sila ni Th

