*RAYNE*
Nakakatulala pa rin ako sa pinto ng locker ng lumabas si Frank galing sa shower room, bigla naman akong nataranta kaya tumalikod ako sa kanya.
"A-ah e-eh ano.... Ahmm labas muna ako hehe!" Hindi ko sya hinintay mag salita at dali-daling lumabas ng locker room, nadaanan ko pa si Sed sa loob ng HQ, hindi ko sya pinansin at dali-daling lumabas sa pinto, pagkasara ko ng pinto ay saka lang ako humarap doon at tinitigan ito ng matagal.
"Hoy bat antagal mo!"
"Ay puta ka!" Napahinto ako sa gulat. "Ano ba Merrow! Bat nanggugulat ka!" Napamaang naman si Merrow sa akin.
"Anak ka ng may anak! Pinagsasabi mo? Kanina pa ako dito!" Merrow raised her voice at kinutungan ako.
"Anyari sayo! Bat namumula ka" Sabat ni Astra at lumapit sa amin.
"Huh!" Kinapa ko ang mukha ka. "H-hindi n-naman ah!" Reklamo ko.
"Ayan halatang sinungaling! Katali-talino minsan bobo!" Inabot sa akin ni Merrow ang maliit nyang salamin, sirena talaga ampuda, may salamin talagang dala. Tinignan ko din agad ang mukha ko sa salamin at namumula nya yun, maiinit din ang pisngi ko hindi naman maaraw.
"Alam na kapag ganyan!"nakangising nakatingin sa akin si Erl. " kung hindi nakakita ng pandesal! Nakakita ng isda sa dagat yan."
"Huh?" Sabay-sabay naming tanong kay Erl. tumawa lang ito at umiling-iling.
"Alam mo minsan wag ka na lang magsalita!" Sarkastikong sabi ni Astra kay Erl. Tumawa lang ito at tinignan ako ng makahulugan.
"Masarap?" Tumatawang tanong ni Erl sa akin.
"H-huh? A-nong.....A-anong m-masarap?"kabadong tanong ko. 'Kingina nawawalan ako ng tapang ngayon.'
"Masarap yung milk tea na binili namin kanina antagal nyo kasing mag-usap!" Nakangisi parin si Erl.
"Ay di ako naniniwalang usap lang!" Sabat ni Astra na parang na gets ang pinagsasabi ni Erl.
"Nag milk tea ba tayo kanina?" Mahinang bulong ni Merrow sa kanilang dalawa na narinig ko pa rin, kaya sabay na napa facepalm ang dalawa.
"Ang tanga mo!" Binatukan sya Astra.
"Di na tropa to!" Naiiling na sabi ni Erl sa kanya. "Tara na sa gym baka mawalan pa tayo ng upuan doon! Magpaalam na tayo sa kani~~...."
"Hindi na tara na hehe!" Pigil ko agad sa sasabihin ni Erl.
"Parang timang ka? Mamaya hanapin tayo nong mga yun!" Sigaw sa akin ni Astra. Wala na akong nagawa nong hilahin nila ako papasok ng HQ. Pagpasok namin nandon na silang lahat parang nag memeeting, sumenyas naman si Lucas ng 'wait lang' kaya umupo muna kami sa bench , nararamdaman ko ang titig ni Frank kaya kung saan-saan ako tumingin wag lang sa kanya.'bat kasi ang rupok ko nagpapahalik ng walang label' sinisilip ko sya minsan kaya nahuhuli ko ang mga tingin nya. Nong matapos sila lumapit na kami.
"Hintayin na lang namin kayo sa gym huh!" Tumatango si Merrow habang sinasabi yun. " Ikaw! Wag kang tanga sa game nyo!" Duro nya kay Drake.
"Hoy kapal mo ah!" Balik duro nya kay Merrow "sa gwapo kong ito tanga na lang ang bola kung hindi sya mag papashoot sa basket!" Mayabang na sabi nya kay Merrow na inirapan lang sya pabalik.
"Wow huh! Kung yung mukha mo lang ang definition ng gwapo ang low class naman ata!" Kalmadong sabi ni Merrow.
"At kung mukha mo din ang definition ng ganda, umuwi kana dahil wala ka non!" Binatukan ni Merrow si Drake kaya pinaglayo na namin sila.
"Kapag ikaw nahulog sa gandang ito putang ina ka! Maghahalo talaga ang balat sa tinalupan. Merrow raised her finger to Drake kaya tinawanan lang sya neto.
"Kung yung mukhang yan lang, umuwi kana sabi! wala ka non!" Pag-uulit ni Drake sa sinabi neto kanina.
"Putang ina ka talaga!" Akmang susugudin ni Merrow si Drake ng pigilan namin sya. "Wag nyo akong pigilan sasapakin ko yan!" Sigaw sa amin ni Merrow kaya binitawan namin sya. "Oh bat nyo ako binitawan?" Galit na sigaw nya sa amin.
"Ayaw mo magpapigil sige sapakin mo na! Lucas hawakan mo yang si Drake ng manahimik ito!" Duro ni Astra kay Merrow.
"Ayaw ko ngang mabangasan itong mukha ko! Marami pang chika babes na magpapapicture sa akin mamaya!" Nakangising sabi ni Drake habang nakatingin kay Merrow.
"Kita mo na! Ang kapal ng mukha!" Pikon na sabi ni Merrow kay Astra. Napailing na lang ako at umupo sa bench na malapit sa amin, nakatingin lang ako sa kanila ng lumapit si Frank sa akin.
"May manipis bang mukha? kung meron mukha mo siguro yun!" Pang iinis pa rin ni Drake kay Merrow.
Hay naku pag kayo talaga nagkatuluyan!" Duro ni Astra kay Drake at Merrow. "Bahala nga kayo jan!" Iniwan sila ni Astra at lumapit kay Lucas.
"Ikaw kasing babae ka ang ingay-ingay mo!" Hindi na nakasagot si Merrow ng hinalahin sya ni Drake papasok sa locker room.Nagkatinginan kaming anim at nagpigil ng tawa, napailing na lang si Astra at binalik ang tingin kay Lucas.
"A while ag~"
"Wag mo ngang ipaalala! Nahihiya ako!" Hinampas ko ang braso ni Frank.
"Patingin yung hiya!" Siningkitan ako ng mata ni Frank na parang may hinahanap sa mukha ko kaya inirapan ko sya.
"Try mo yung hiya! Ay wala ka pala non!" Pasering na sabi ko sa kanya.
"Wow huh! Ako pa!" Parang gulat na sabi ni Frank bago ako hinila at ginulo ang buhok ko.
"Ano ba!" Hinampas ko ang kamay nya pero tumawa lang sya at hinila ako patayo bago niyakap. Napalingon ako kila Astra at Erl at napabuntong hininga ng makitang hindi sila nakatingin sa amin, may kanya-kanya ding mundo ang iba pang player, nasa dulo bahagi kami ng silid kaya di kami gaano nakikita.
"Pa charge lang huh!" Malambing na sabi ni Frank.
"May magagawa pa ba ako ey naka yakap kana!" Mahina syang tumawa sa sinabi ko at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"Kilan mo ba ako sasagutin!" Mahinang bulong nya sa tenga ko.
"Ay! Nanliligaw ka ba?" Gulat kong tanong kay Frank at mahina syang tinulak pahiwalay sa akin.
"Anak ng! Rayne naman ey!" Parang batang sabi nya at nag pout pa talaga.
"Hoy seryoso nga!" Lalo lang sumama ang mukha nya at inirapan ako.
"Kainis naman sayang effort ko!" Pikon na bulong nya pero narinig ko pa rin.
"Hindi mo naman kasi sinabi agad!" Natatawang sabi ko sa kanya.
"Sa talino mong yan akala ko na gets mo na!" Inis na sabi nya sa akin kaya natawa ako lalo at niyakap sya, natigilan sya sa ginawa ko kaya natawa ako ng mahina.
"Akala ko hanggang MU lang tayo ey! May ligawan na pala!" Natatawang sabi ko, naramdaman kong yumakap rin sya sa akin at inilapit ako lalo sa kanya.
"Hindi ko alam kung anong nakakatawa ngayon at tawa ka ng tawa!" Mahinang bulong nya sa akin.
"Sige na! Kita na lang tayo sa gym manliligaw!" Pinitik nya ang nuo ko dahil sa sinabi ko "aray huh!"
"Sa malapit ka pumwesto para madali lang kitang makita!" Ngumiti na lang ako sa kanya at tumango, he pat my head at tumingin sa paligid bago ako mabilis na hinalikan sa pisngi.
"Goodluck tuko!" Kumunot naman ang nuo nya sa sinabi ko.
"What's tuko!" Takang tanong nya sa akin, natawa na talaga ako ng malakas dahil hindi ko akalain hindi nya alam yun.
"Seriously! you don't know what tuko is!" Pinitik nya ang nuo ko pero hindi pa rin ako tumigil tumawa.
"Tatanungin ko ba kung alam ko? So what is it?" He pinched my cheeks kaya tumigil na akong tumawa.
"Tanungin mo si google!" I pushed my tongues out ng irapan nya ako.
"Tsk! Sige na kita na lang tayo sa gym!" Humabol pa sya ng kiss sa pisngi ko bago sya umalis at lumapit kay Lucas.
"Hoy tama na landian tara na! mawalan pa tayo ng upuan doon!" Sigaw ko sa mga kaibigan ko.
"Tawagin mo si Merrow doon baka nagbubugbugan na yung dalawa!" Utos ni Erl kay Sed na sumunod din agad. Pumasok si Sed sa loob ng locker room at maya-maya lumabas na rin sya kasama yung dalawa.
"Hindi ko alam kung bakit maraming nagkakagusto sayo mukha ka namang paa!" Napa facepalm na lang kami dahil hindi pa rin pala sila tapos mag sagutan.
"Excuse me miss kahit mukhang paa to maraming nagkakagusto! hindi kagaya mo na mukha na ngang matandang dalaga wala pang nagkakagusto.!" Nakangising sabi ni Drake kay Merrow.
"Unique kasi ang beauty ko, hindi kagaya sayo pang kanal lang!" Tinaasan ng kilay ni Drake si Merrow na nakangisi sa kanya.
"Ah kaya pala ikaw lang nakakakita ng ganda mo! Samantalang yung kagwapohan ko dinaig pa ang kagwapohan ni Daniel Padilla!" Nag pogi sign sya kay Merrow.
"Seriously? Ei wala ka nga sa kalingkingan ng kagwapohan non!" Balik asar ni Merrow. Inilayo na namin sya at sumenyas sa mga boys na aalis na kami.
"Tsk! Wanna bet?" Sigaw pa ni Drake.
"Bet mo mukha mong dinaig ang pwet ng manok!" Sigaw din ni Merrow kaya tinakpan na ni Erl ang bibig nya ng tuluyan kaming makalabas sa HQ.
"Ew Merrow ang ingay mo napaghahalataan ka!" Sinamaan ng tingin ni Merrow si Erl na umaarteng nandidiri.
"Nakakapikon sya bwesit!" Inis na sabi ni Merrow na pumapadyak pa.
"Ikaw nag simula ikaw din napikon HAHAHA!" Natawa ako sa sinabi ni Astra.
"Whatever tara na nga!" Inis pa ring sabi ni Merrow kaya sumunod na din kami. Dumaan pa kami sa Cafeteria para bumili ng chips and drinks bago dumiretso sa gym. Pagdating namin doon marami ng tao malapit na rin kasi mag simula ang game kaya unti-unti ng napupuno ang gym.
"Look Rayne is here! Oh my God she's so pretty!"
"Pre yun diba ang captain ball ng volleyball ng TCU! Ang ganda!
"Hala pa picture tayo kay Idol!"
"Tsk! Puro yabang lang naman yan!"
"Feeling famous!"
"Shet Girls ang cool ng outfits ni Rayne!"
"Feeling famous ka daw Rayne HAHAHA famous ka pala ey!" Tumatawang siniko ako ni Astra.
"Cool daw ng outfit ei parang mag go-grocery lang naman!" Dagdag asar ni Erl.
"Di mo na rinig ang ganda ko daw!" Nginisian ko sila ng irapan nila ako. Natagalan kaming makahanap ng upuan dahil maraming nagpapicture sa akin, hindi ko naman akalain na marami palang nakakakilala sa aking taga ibang school kaya medyo nailang ako, medyo lang naman.
"Oh bat nandito yan?" Turo sa akin ni Merrow. "Hindi natin tropa yan masyadong famous!" Tumatawang sabi ni Merrow kaya binatukan ko sya. Napalingon kami sa entrance ng pumasok ang varsity player ng TCU at magsitilian ang mga tao sa loob ng gym.
"Kita mo nga namang madaming tagahanga ang mga kupal!" Natawa kami sa sinabi ni Merrow, hanggang ngayon siguro ay inis pa rin sya kay Drake at dinadamay pa ang buong team.
"Kalmahan mo lang te!" Natatawang tinapik ni Erl ang balikat nya. Napalingon ulit kami sa entrance ng magsitilian ang mga tao sa loob maliban sa iilan na nakatingin lang sa entrance kagaya namin. Pumasok ang kalabang team ng TCU na sa unang tingin pa lang halatang mayayabang na. Malapit lang kami sa court sapat na para matamaan kami ng bola char. Lumingon ako sa team ng TCU, napangiti agad ako at tinaas ang kamay ko bago nag Goodluck sign kay Frank ngumiti naman sya sa akin at nag okay sign.
"Para kayong tanga na nag sa-sign language! Hindi na lang kasi lapitan at mag goodluck!" Inirapan ko lang si Astra.
"Bat hindi mo gawin! Ikaw naka isip!" Balik asar ko sa kanya.
"Abat sumasagot na!" Tumawa lang ako sa sinabi ni Astra at binalik ang tingin kay Frank, mukhang nag memeeting ulit sila dahil seryoso syang nakikinig sa coach nila.
Maya-maya dumagundong ang sigawan ng mga tao sa loob ng gym ng mag umpisa ang laro. Ng pumeto ang referee, sabay na tumalon ang rebounder ng magkabilang team, naunang nakapuntos ang kalaban kaya mabilis na bumawi ang CTU, natapos ang first quarter na lamang ng apat na puntos ang kalaban. Nagtataka ako kung bakit hindi nila pinasok si Sed at Frank sa buong first quarter.
Nakakunot pa rin ang nuo ko ng matapos na ang second quarter na hindi pa rin naglalaro si Sed at Frank, lumaki ang lamang ng kalabang team kaya humina ang sigawan ng mga tao sa loob ng gym. Tumingin ako kay Frank at nangunot ang nuo ko ng ngitian nya ako kasabay ng pagtayo nila ni Sed at pumasok sa court. Umingay ulit ang paligid ng magsimula ang third quarter at nakahabol ng score sa kalaban, dalawang puntos na lang ang lamang at matatapos na rin ang third quarter, kasabay ng pag ingay ng buzzer ay ang pag shoot sa basket ng tira ni Frank kaya mas lumakas ang sigawan ng mag tie ang score. Nag thumbs up lang ako sa kanya ng nakangiti ng tignan nya ako, ngumiti din sya at kumaway pa talaga. Nagsitilian ang mga nasa likuran kong babae.
Oh my God nginitian ako ni papa Frank ! Oh my God! Jesus!"
"Gaga ako kaya ang kinawayan ni Frank!"
"Mga ashumera ako kaya yun!"
Napailing nalang ako sa mga naririnig ko at tumingin ulit kay Frank na nakikinig sa coach nila. Tumunog ang buzzer kaya pumasok ulit sila sa loob para sa last quarter, nagsisitayuan ang mga studyante ng TCU kapag nakakashoot ang team, mabilis na lumamang ng malaki ang score ng TCU ng 10 puntos, two minutes na lang at matatapos na din ang laro, pati sila Erl, Astra at Merrow nakatayo na at may hawak pang balloons na hindi ko alam kung saan nila kinuha.
Napatayo ako bigla ng matumba si Frank pagkatapos ma shoot ang bola, yakap-yakap neto ang tuhod at iniinda ang sakit. Mabilis na lumapit ang mga ka team nya at pumito ang referee, nakagat ko ang labi ko sa pag aalala pero nabuhayan din ako kaagad ng bumangon si Frank at tinanguan ang mga ka team nya, naghiyawan ang mga tao sa loob ng magpatuloy ng laro si Frank.
Natapos ang last quarter at nagsigawan ang mga studyante ng CTU pati na rin sila Erl, Astra at Merrow, tumatalon pa sila sa tuwa ng manalo ang team namin. Mabilis na bumaba si Astra at patakbong yumakap kay Lucas, tumatalon pa ang gaga. Hindi muna ako umalis sa pwesto ko at sumunod sa kanila ng makita kong marami pang lumapit kay Frank at nag papicture 'inunahan pa talaga ako!" Nanatili parin ako sa pwesto ko ng may nag interview pa kay Frank.
"Hi miss Yap!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ang captain ball ng kalabang team.
"Oy Lash! Ikaw pala!" Ngumiti ako at nagkipag shake hands. Nakilala ko si Lash sa isang seminar ng mga architecture student, Architecture din ang kinuha nya sa ibang University, ang alam ko graduating na sya.
"Ang lakas ng varsity nyo di kaya!" Tumawa ako sa sinabi nya.
"Kulang pa kayo sa training!" Pang aalaska ko sa kanya.
"Tsk! Ang yabang na ah!" Tumatawang sabi nya.
"Rayne!" napalingon kami ni Lash sa tumawag sa akin.
"Hey! Congrats tuko!" Nakangiting sabi ko sa kanya bago sya kinurot sa pisngi.
"Ahem!" Nakalulukong ngumiti sa akin ni Lash ng lingunin ko sya. "Sorry pala kanina Cap!" Ngumiti lang si Frank kay Lash at nakipag shake hands.
"Wala yun! Parte talaga ng laro ang masubsub!" Tumawa si Lash sa sinabi ni Frank.
"Oh Rayne chat-chat na lang! Ingat!" Hindi ako nakasagot agad ng yakapin ako ni Lash sa harap ni Frank. Awkward akong ngumiti at kumaway ng kumalas sya at kumaway bago umalis.
"Tsk!" Napalingon ako kay Frank na masama ang tingin sa likuran ni Lash.
"Oy!" Sundot ko sa tagiliran nya, hindi parin naalis ang tingin kay Lash.
"Yakapin mo ako!" Malamig na sabi nya.
"Huh?" Nakakunot nuong tanong ko.
"Yakapin mo ako bilis!" Nakangusong sabi nya sa akin. "Na low bat ang katawan ko ng yakapin ka nya." Nagmamaktol na sabi nya. Natawa ako at niyakap sya ng mahigpit. Pinulupot nya ang dalawang braso nya sa bewang ko at inangat sa mataas ng baitang ng hagdan para magpatay kami.
"Nagseselos ako pero alam kung wala ako dapat kaselosan!" Seryosong sabi nya.
"Should I say thank you for not being jealous!" Natatawang sabi ko.
"Nah!" Kumalas sya sa yakap ko at umiling. "Kahit naman magselos ako lamang pa rin ang tiwala ko sayo dahil alam kong gusto mo rin ako!" Ngumiti ako sa kanya.
"Kahit hindi kita sagutin ikaw pa rin sa lahat!"
------------------------------------------------------