*RAYNE* "Ano ba naman Yap!" Tumigil ang lahat ng sumigaw ang coach namin, nakatayo lang ako at tahimik na nakatingin sa net, may training kami ngayon para bukas dahil umabot kami sa finals. Maraming umaabang ng laro namin dahil nanalo ang basketball team ng university namin at inaasahan nila na ganon din ang volleyball team. Hindi ako kumibo ng inis na lumapit sa akin si coach "Ilang linggo kanang ganyan, ilang linggo nang walang improvement. Bukas na ang first game ninyo at hindi ka pa rin umaayos,ano bang problema?" hindi ako sumagot kay coach na ngayon ay nakapamewang na sa harapan, naaawang tumingin din sa akin angbuong team umiwas na lang ako ng tingin sa kanila. "Wala lang ako sa mood coach?" nakayukong sabi ko, hindi inalintana ang paghilamos niya sa kayang mukha at galit na ting

