"Umamin ka nga sa amin, Yanna. May problema ka ba?" kunot-noong tanong ni Crizel habang nag-iikot sila sa korean album store sa mall. "Oo nga. Hindi ka mapakali sa bahay mo. At sa tamad mong lumabas naisip mo pa talagang mag-mall ngayon," sambit naman ni Cheryl. "Naglabas nga kasi ng bagong album ang exo so malamang kailangan ko bumili," sagot naman ni Miyanna. Iyon naman kasi talaga ang dahilan ng paglabas niya. Kung hindi lang dahil sa paborito niyang kpop boy group ay hindi naman talaga siya magyayayang lumaba. "Bakit nga hindi ka mapakali sa bahay mo?" "After sleeping once kina mama, naisip ko lang na mas masarap pala talagang tumira sa bahay kasama ng mga magulang. At saka nandoon lahat ng merch and collection ko. Iba pa rin yung feeling na natutulog at gumigising ako na mukha ni

