"So why did you ask me to come? Did you miss me? Or you have a problem?" tanong ni Benjamin kay Yanna. Bigla nalang kasi syang tinext nito kanina at niyayang sa bahay nito mag-dinner. "None of the above?" tumatawang sambit naman ng dalaga. Ayaw muna niyang isipin ang kung ano mang dahilan kaya masama ang loob niya ngayong araw lalo na at nasa harap sila ng hapag kainan. "Ouch. Akala ko pa naman miss mo ako." Benjamin pouted kaya natawa ang dalaga. "Gutom lang 'yan," biro pa dito ni Yanna at saka ito tumusok ng karne ng baboy at isinubo sa binata. "Sarap di ba?" "Palibhasa adobo lang ang alam iluto, tsk." "Hoy hindi, ah! 'Yan lang kasi ang favorite ko" giit naman nito. "Palusot pa." "Sa halip na magpasalamat ka at ipinagluto kita, aasarin mo pa ako? Tusukin kita ng tinidor d'yan, eh

