"Ano ba! Lumayo ka nga sa'kin!" sigaw ni Miyanna at saka buong lakas na itinulak ang matabang lalaki nang bigla nalang siyang amoy-amoyin nito. Ngunit sa laki ng katawan nito ay hindi man lang ito natinag. Mas lalo pa ngang humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya kaya napangiwi siya sa sakit. "Aba matapang ka. Iyan ang gusto ko sa babae. Palaban," tumatawang sambit nito. Nakitawa rin naman ang dalawang lalaking kasama nito na nasa likuran nila. "Gusto mo ng palaban pero di ka lumalaban ng patas matandang hukluban! Kung wala lang baril baka kanina pa kita tinumba." Pinanlakihan pa ito ng mata ni Miyanna. Hindi na rin alam ng dalaga kung anong spirito ang sumapi sakaniya ng mga sandaling iyon at may lakas ng loob pa siyang mang-provoke. Siguro nga totoo ang sinasabi ng iba na kapag m

