"B-benj," nauutal na sambit ni Miyanna pagpasok nito sa pinto. Halos kalalabas lang kasi ni Joshua sa bahay niya kaya possibleng nagkasalubong ang mga ito. Paakyat na sana siya sa kwarto ng bigla nalang dumating ito. "Good morning," nakangiting bati naman nito. "dumaan lang ako to check if you're okay," anito at saka naglakad palapit sakaniya. Sigurado ang dalaga na pilit lang ang ngiting iyon ng binata dahil hindi lumabas ang dimple nito. She didn't know what to say. Ipapaliwanag ba niya dito kung bakit naroon si Joshua sa bahay niya? Pero anong sasabihin niyang dahilan? She can't tell him na dito natulog ang binata dahil baka kung anong isipin nito. Pero ano naman ngayon kung sabihin niya? Masyado niya na itong pinapaasa. Baka panahon na para bigyan ng linaw kung ano talaga ang relasyo

