Chapter 77

1257 Words

Palapit pa lang si Miyanna ay dinig na niya ang tawanan nila sa sala. Mukhang bumibida na naman si Benjamin kaya tuwang-tuwa na naman ang mga ito. "Speaking of bonsai, Ma. Bago kami umuwi, dumaan kami ng Mines View. May pasalubong ako sa iyo. Pero nakalimutan kong dalhin kasi nataranta ako noong mapansin ko sa boses nang alaga nating dragon na may tantrums siya," dinig niya pang sambit ng loko-loko niyang kaibigan. "Anong tantrums pinagsasasabi mo riyan? E kung tustahin kaya kita?" Nakatalikod kasi ito kaya hindi siya napansin. Agad naman itong lumingon ng marinig ang boses ng dalaga. "Hey! May dala akong---" natigilan si Benjamin ng lumagpas ang tingin kay Miyanna at makita si Joshua na kasunod lang nito. "Leche flan and Graham's with kisses as toppings. Gawa ni mama," dugtong nito ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD