Halos hindi na nakatulog si Yanna sa sobrang excite niyang makapag rides. Not that she's excited because she's with Joshua, ha. Ang motor niya ang namiss niya. Napatingin sya sa wall clock. It's already twelve noon. Anong oras kaya sila aalis? Nagdadalawang isip siya kung icha-chat niya ba si Joshua o pupuntahan na lang sa bahay but she choose the latter dahil nahihiya siyang mag friend request sa binata. Ngunit nakakailang pindot na siya sa doorbell ay wala pa ring nagbubukas ng gate. Nang bahagya niya namang itulak iyon at mapansing hindi naman pala naka lock ay nagpasya na siyang pumasok. Hindi naman siguro siya kakasuhan ng trespassing ni Joshua. Dirediretso na siya sa loob dahil nang pihitin niya ang seradura ng pinto ay hindi rin iyon naka-lock. Napailing tuloy ang dalaga. Kaya na

