Nagising si Miyanna na parang pinukpok ng bote ang ulo niya sa sobrang sakit at nasabunutan pa nga niya ang sarili ng maalala ang nangyari kagabi. "Bakit ba kasi kailangan pa niya akong lapitan? Bakit ba parati na lang siyang feeling knight in shining armour pero sa huli magaling namang mang-iwan sa ere," inis na sambit pa niya bago bumangon. Dumiretso agad ang dalaga sa banyo para mausawan. Pero habang naliligo ay binabagabag pa rin siya ng nangyari kagabi at ng naging usapan nila ni Mica. "Gosh! Why do I even have to make him look bad when he's already having problems? Alam ko na ngang parehas lang kaming biktima pero bakit ko ginawa iyon? Pagkatapos kong sabihin sakanyang ginantihan ko lang siya ganoon ang reaction ko? My goodness. Baka isipin niya pang pa-victim ako!" At dahil nga hi

