"Ayos ka lang ba?" kunot-noong tanong ni Miyanna. Hindi niya na kasi mabilang kung ilang beses ng nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Joshua mula pa kaninang sunduin siya nito. "Ha?" wala sa sariling tugon naman ng binata kaya napa-irap na lang ang dalaga. "Kung wala ka sa mood today, Joshua i-uwi mo na lang ako. I am not in the mood either. Nakakahawa yang pagiging uneasy at uncomfortable mo. Ang bigat lalo sa pakiramdan," inis na sambit ng dalaga at saka ibinaling ang tingin sa daan. Mula pa kaninang umaga ng magising siya at wala na talaga siya sa mood. Maging siya nga mismo ay hindi rin alam ang dahilan. Mukhang masyado na naman siyang nilamon ng stress kaya nagiging mainitin na naman ang ulo niya. "I'm sorry, Yanny. Kinakabahan lang kasi talaga ako." "Saan ba kasi tayo p

