Alas kuwatro pa lang ng madaling araw ay gising na gising na ang diwa ni Joshua. Ang totoo niyan ay hindi naman siya nakatulog ng maayos dahil sa dami ng bumabagabag sa utak niya sa ngayon. Hindi na rin niya alam kung gaano na siya katagal nakatitig sa maamong mukha ng natutulog na si Yanna habang nakaunan ito sa braso at nakayakap pa sa bewang niya. God knows how much he wanted to spend everyday and night with this girl kaya lang ay kailangan niya ng bumalik sa bahay bago pa magising si Chloe. Maingat na inalis niya ang braso mula sa pagkaka-unan nito at saka dahan dahang bumaba sa kama. Ilang sandali niya pa muna itong tinitigan matapos ayusin ang kumot bago siya makakuha ng lakas na humakbang paalis. Habang paalis siya sa bahay ni Miyanna ay pabigat din ng pabigat ang pakiramdam

