"I am sure that you already know kung anong nangyari sa family ni Kuya. Sigurado namang nasabi niya na saiyo na iniwan sila ni Daddy para sa amin ni Mommy 'di ba?" Hindi inaasahan ni Miyanna ang naging pagbisita ni Mica nang araw na iyon. Hindi nga niya alam kung matatawa ba siya o maiiyak na lang sa inis dahil mukhang inabangan ng mga itong makabalik siya. But for what purpose? Gusto ba ng mga ito na siya pa ang manuyo kay Joshua? "Yeah," maikling tugon lang naman niya. Mica didn't do anything wrong to her kaya wala rin naman siyang rason para barahin ito o basta na lang ipagtabuyan so she will just hear her out at saka na lang siya mag-rereact. "Si Daddy ang unang taong sumira kay Kuya. He loves him very much pero iiwan at lolokohin lang din pala sila. He saw how devastated Tita Sarra

