"Sigurado ka ba talagang kaya mo na?" Hindi na mabilang ni Miyanna kung ilang beses na iyong itinanong ni Benjamin mag mula kaninang umalis sila sa ospital. "Oo naman. Ako pa ba? At saka ngayon pa ba magbabago ang isip ko? We are already in the middle of the hi-way, malapit na nga tayo sa bahay ko, eh." Natawa na lang ang dalaga dahil mukhang gusto talaga siyang ibalik ni Benjamin sa ospital. "Okay, I'll just call the hr and the mayor to inform them na hindi na ako makakabalik para naman may kasama ka," giit pa nito. Tila may kamay na humaplos sa puso ng dalaga ng makita ang sincerity sa mukha nito. Bakas na bakas ang pag-aalala. Sa tuwing kasama niya talaga ito ay ramdam na ramdam niyang mahalaga siya. "Benj, hindi na ako bata. Ayoko naman na maging masyado akong abala sa iyo. Hindi na

