ISANG linggo dapat ang bakasyon ni Mikael kasama ang papa Alfred niya but he was shocked with a very devastating news. Nanlamig ang mga kamay niya nang ibaba niya ang tawag. He just got a call from Mr. Ruiz’s assistant telling him na inatake raw sa puso ang matanda at nasa hospital ngayon lang. Bagsak agad ang balikat niya matapos niya itong makausap. Hindi naman siya natataranta. Hindi niya lang alam ang gagawin. Kung sino ang uunahin niya. Ang Papa ba niya na umaasang makakasama siya ngayon o si Mr. Ruiz na walang kasama sa buhay, na siyang tumutulong sa kanya. Napansin ni Aika ang pagiging balisa ni Mikael habang hinahampas ng mga alon ang paa nito. Nasa gilid sila ng beach at nagtatampisaw sa tubig. Tila binabalot ng kaba ang buo niyang sistema. He needs to calm himself dahil baka si

