Maid-id na pinapaliwanag ng dalagita ang kanyang utos sa kanyang sekretarya na siyang pukos na pukos naman ang babae sa mga ibinubuka ng bibig ng kanyang amo upang kanyang magawa ng maayos at maunawaan ang gagawin bago ang pagpupulong ng kanyang amo sa Board of Directors ng Kompanya. “You can go now. Text me if everyone is complete on the conference room” seryoso at kalmadong pagtatapos ng sabi ni Cassi sa babae na siyang sinunod naman ng babae. Ilang saglit ay pumasok ulit ang babae na siyang inilingon ng dalagita. “Madam, meron pong gustong kumausap sa inyo sa labas papasukin ko po ba?” mahinahong tanong ng kanyang sekretarya. “Sure” sagot ng dalagita. Akala ng dalagita ay ang taong nasa labas na gustong kumausap sa kanya ay si Alex na kanina pa niya inaabangan pero ng lumingon ito s

