Malamig na simo’y ng hangin na siyang ramdam na ramdam ng dalagita habang ito’y nakatayo sa isang restaurant na kanilang pinagkainan kanina ng mag isa. Lumapit ito ng mesa sabay kuha ng wine glass pagkatapos ay binuksan ang bote ng alak na nasa ibabaw ng mesa at naglagay ito ng kaunti uminom ito ng mag – isa. Bumalik ang dalagita sa kanyang kinatatayuan kung saan makikita ang dagat sa dulo at mga halaman na pahagdan – hagdan ang desenyo na siyang gumagalaw dahil sa hangin. “Can I join with you?” lalaking boses na siyang biglang umulhot sa kanyang likod na kanyang napatingin. Nagulat ito ng kanyang makita ang gwapong mukha ng binata na siyang seryoso ang mukha habang nakatingin sa kanya ng malamig. “Alex” sagot ng dalagita na siyang nabigla. “Actually, kanina pa ako dumating kaya hindi

