Sunday morning, dahil we've been decided na palagi na nga lang magluto ng makatipid, share sa gastos, share sa gawain, syempre ang inyong lingkod ang maagang nagising to prepare breakfast kasi di naman ako umiinom kaya ako lang ang di nalasing kagabi.
Maya maya isa isa na silang nagigising at dumudulog sa hapag. I just cooked scrambled egg with milk. Spam and stir fried veggies with mushroom.
Hey babe, morning.Bati sakin ni Marty.
Babe? Kelan kita sinagot? pairap kong tugon.
Mga tao naman na nasa paligid, kinikilig yung iba napatulala. At ako, syempre lumulundag ang puso ko.
Di ba sabi mo kagabi, oo.
Hala, wala akong maalala. Ang natatandaan ko sabi mo manliligaw ka, pero di ibig sabihin nun tayo na.
Babe papatagalin pa ba natin ito eh andito na ako. Katagal mo na kaya ako inaalipin, taga sundo taga hatid.
Hoy, di ko kaya sinabi ihatid sundo mo ko.
Pero kasi gusto ko, masaya ko sa ganun eh. Pede ba lunch tayo sa labas mamaya, tayong dalawa lang? Please...
Oh God, what should I do, will I say yes? Saloob loob ko.
Ay naku wala naman gagawin yan, sabay tingin sakin ni Jaki. Sumama ka na at ng malibang ka, banat pa nya habang pinanglalakihan ako ng mata.
O... ahhh.... Ahhh...
Sissie, gora na. Go, ganern. Sige boss sasama siya, mamimili kasi yan ng pangpuno sa balikbayan box. ikaw ng sumama. What time kayo aalis? Sabi ni Ann.
Mga 11 siguro tayo umalis.
Ah eh kyo na kaya sumama, kayo na ngdedecide eh. Kunyaring may pagtatampong sabi ko sa mga girls.
Ok sige pero wag tayo pagabi ksi tatawag pako sa bahay mamaya.
Tatawa tawa lang naman si Boss Val sa isang tabi habang nakikinig. ..
Ara, sagutin mo na si Engineer kasi ngayon ko nlng ulit nakitang sumaya yan.
Oo nga, sabay arte ng pagmamakaawa ni Marty.
Naku may mga kakampi ka pa.
Kasi naman minsan lang magmamahal ng totoo tong kaibigan namin. Sagot ni Engineer Nico.
Sa dami ba naman ng pinagdaanan niyan. Madami kayang nagpapalipad hangin dyan sa Pinas di pinapansin. Kung sino talaga gusto nya, yun na yon. Singit din ni Foreman Zaldy.
Ay naku, naku, kayo talaga, natatawang sabi ko. Cge ... pag....
Yes, yes, yes.... sigaw ni Marty
Nagpapalakpakan dn ang lahat.
Anung yes yes sabi ko sige pagiisipan ko. Di pa ako tapos magsalita.
Sabi mo babe yes, yun na yon, wala ng bawian.
Pag-iisipan ko pa nga.
Ang other girls naman kilig na kilig. Anong date ngayun, ah December 6, sige sa January 6 makicelebrate tayo ng first monthsary nila, sabi ni Jaki.
Nanlaki ang mata ko. Jakiiiii...
Yehey, kanya kanyang sigaw ng mga girls.
Babe, I love you. Sabay halik ni Marty sa pisngi ko.
Lalo naman akong na shock. First kiss ko yon.
Oh God, the feeling, ramdam kong para kong nililitson sa init ng pakiramdam ko kahit sa simpleng halik sa pisngi, at ang kilig, parang gusto ko magatatalon at magtitili.
Ara, kumalma ka, gaga. Sabi ko sa sarili ko. Stay cool, easy lang wag kang pahalata na kinikilig ka.
Oh sige sige na, oo na.
Yes, sabay yakap ni Marty, kaya napayakap na din ako.
Ikaw baka may balak ka magloko, sabihin mo na kaagad. Sabi ko.
Uy, im a very professional and a one woman man. Sorry pero di ko mapagbibigyan ang drama mo. Sabi ni Marty habang tumatawa. Thanks babe. I won't let you down.
I love you.
Love you too, bulong ko.
Ano sabi mo babe, di ko nadinig. Ano nga yon? Panunukso nya.
Ewan ko sayo, sabay irap ko at tinanggal ko yung kamay nya sa balikat ko sabay hampas sa dibdib nya.
Ouch, sadista ka naman pla. Sabi ni Marty habang hawak ang kamay ko at hinahalikan.
That's how we started as a couple.
Lunch time, It was our first date and I am now officially, Marty's girl.
We just ate and go shopping para sa mga dadalin ko sa pag-uwi ng Pinas for pasalubong.
After that, we went home early dahil may pasok pa bukas.