Babe napapangiti ka kanina, lalim ng iniisip mo, siguro pinapantasya mo ko. Ahahaha sira ka. Naramdaman kong namumula ako lalo at nakatingin sila Engineer Nico. Naalala ko kasi yung una tayo nagkita. Ah yung pagbangga mo sakin, naiinis na nga ako nun nung bigla ko natitigan, wow ang ganda ah. Kaya hinabol kita. Natatawa na ding kwento ni Marty. Siyanga pla babe natawagan mo na ba si daddy at mommy? Kasi on Saturday next week mamanhikan na kami. Ha? That early? Iha, matagal na kayong nagsasama ni Marty, tama lang yon. Biglang sabad ni Itay na nasa likod ko na pala para sa tanghalian. Anak wag ka ng mag-alala kami na ng Ate Lena mo ang bahala sa mga dadalin. Sagot ni Inay Thank you po. Nakangiting sabi ko. Ano ka ba, para kana naming anak. Sakto pala Marty yung mga baboy natin na

