The Venue and The Residence Lot

796 Words
Marahan lang ang aking lakad habang nakasunod sa kanya. Nagaatubili akong sumama lalo na di ko pa mairelax ang sarili ko pagkatapos ng aming pagtatalo. Sino kayang herodes ang gumawa ng kwento. Malaman ko lang. Pero kahit parang ayaw sakin nila Inay at Ate Lena, alam kong di nila yon gagawin dahil alam kong ayaw nilang sumama ang loob ni Marty. Para sa kanila, si Marty ang head of the family, ang ngpoprovide ng lahat ng pangangailangan. Ang mga bukid nilang sinasaka ay kay Marty. Ibigay sa kanila para sa kinubukasan ng mga kapatid nya kaya di nila kayang madisappoint si Marty. Lahat ng kinikita ay shineshare sa family, ganun sya kabait. Naramdaman nya siguro ang pag aatubili ko kya bumaling sya at nilapitan ako. Pinisil nya ang kamay ko, na parang sinasabi nyang, okey lang. Okey na tayo. Niyakap niya ko, at sabay bulong na, babe I'm really sorry I promise I will really make it up to you, cross my heart, I will never get jealous and insecure again. Tiningnan ko lang sya at tumango. Napangiti ako. Magkahawak kamay kaming bumalik sa party niya. Bakit mo ko tinatawanan? sabi nya. Eh kasi ang cute mo sabay tawa ng impit. Hmmp, pairap nyang sabi. Ngayon ko lng napagmasdan ang ayos ng lugar, napangiti ako at masasabi kong maasahan talaga ang mga kabataan pagdating sa ganitong okasyun. Si Ate Lena ang nangasiwa sa pagluluto katulong ang Inay Siony at sina Tya Lilly at Tya Vita mga hipag ng Itay Narding at ibang mga pinsan ni Marty. Ang dekorasyon naman ay mga kabataan ang namahala. Napahanga ako na sandaling panahong nailaan ay naging maganda ang ayos. Ang mga lamesa ay my table cloth pa na sky blue at dark blue, habang ang sa gawing bubong at my mga banderitas pa. May mga nakalaan talagang gamit sa handaan ang mga Inay, since madalas halos ang handaan, nagsikap si Marty na makabili ng mga tents, chairs and tables pra makatipid. Namili dn sila ng mga tela na ibat ibang kulay dahil magaling manahi ang Ate Lena. Ang venue ay nasa dulong bahagi ng lote. Sa itinayo nilang basketball court para may mapaglibangan ang mga kabataang lalaki. Isa kasi itong compound na hinati hati sa magkakapatid. Pag-aari ito ng pamilya ni Itay Narding, ang ama ni Marty. Nilagyan ng sementadong daanan sa gitna. Masasabi kong nakakaangat kahit paano ang bawat pamilya rito at bawat isang lote ay maaari pang matayuan ng bahay ng mga pinsan ni Marty. Sa bandang unahan sa gawing kaliwa ay ang bahay nila Tya Sofie at Tyo Herman, kaya nga lamang ay my pwesto sila sa palengke kya wala sila. Pero ang 2 nilang anak na si Gary, 17 at Grace 15 at ksma sa nangasiwa. Kasunod ang bahay nila Tya Lilly at Tyo Azer. May 3 naman silang anak, si Ashley, 21, ang panganay na masyadong bulakbol kya maagang ngkaasawa, si Nila, mayroon na dn silang anak, ang madaldal na si Zander, tatlong taong gulang. Pangalawa si Valeria, 20 years old, na inampon nung mgasawa nung 6 na taon plang sya, pamangkin sya ni tya Lilly sa namatay na kapatid at si Vina 17 years old. Sumunod naman ang kina Tya Vita at Tyo Karyo, may 2 rin silang anak, si Missy at Michael. Si Missy, 24 years old ay pamilyado na dn at nakapagpatayo na dn ng bahay ksma ang asawang si Anton at 2 taong gulang na anak na si Michelle. Si Michael naman ay 19 years old. Panganay si Itay Narding at malaki ang tanda nya sa mga kapatid kya ang mgkakapatid na Ate Lena 33, Marty 28 at Tany 25 ay maedad din sa kanilang mga pinsan. Sa gawing kanan naman ng lote ay ang bahay namin. Mas malaki ang solar ng lote nila Itay kysa sa mga kapatid gawa ng nabili na ni Marty yung kabilang bahagi ng katabing lote. Sa likod ang kila Itay ksama sila Ate Lena at Kuya Victor, may tatlo silang anak, si Lando 15 years old, si Alyssa 17 yrs old at si Simon na 12 taon. Maaga dn kasing nakapagasawa ang Ate Lena. Sa bahay sa dulo ay ang kila Tany, ang bunsong kapatid ni Marty kasama ng asawa nyang si Sol, mas nauna pa syang nakapag-asawa kay Marty dahil ikinasal na sila lasy year. Pinatayuan sila ni Marty ng maliit na bahay. Ang bahay din nila Inay ay ginastusan ni Marty. At halos ang lahat ng bahay sa paligid ay nagshare pa dn sya sa pagpapatayo. Masaya ang party. Dumating dn ang mga kasamahan namin ni Marty sa Manila Office, mga boss at ang mga partners nyang kasamang umuwi from Dubai. Ang ilan ay di ko kakilala lalo na ang nsa Manila Office pero ang lahat ng sa Dubai ay kakilala ko syempre.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD