WHO EXACTLY IS LILIANA?

1082 Words
EPISODE 10: Today is the day for the contract signing. Hindi man ako nakapagtapos ng kolehiyo, pero marami naman akong alam pagdating sa ganitong trabaho. Alam kong kaya kong gawin at ayoko rin namang mapahiya sila Senyorito Hadji na kumuha sa akin lalo na si Madam Alessandra na alam kong walang tiwala sa kakayahan ko. “Congratulations, Rose! You’re now an employee of Wise Corporation.” Malapad pa sa malapad ang ngiti ko habang tinititigan ang pirma ko sa kontrata. “Maraming salamat po talaga, Senyorito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na half-maid, half-employee na po ako.” “Proud ako sa’yo, Rose! Ang galing mo talaga,” dagdag pa ni Cha sabay lapit sa akin. “Salamat, Cha!” Ngumiti na ako sa kaniya. “Huwag kang mag-alala at sa umaga lang naman ang trabaho ko doon, pagkatapos sa gabi, dito naman ako magtatrabaho.” Pagkatapos kong mag-pirma ng kontrata ay bumalik na muna ako sa trabaho rito sa mansiyon. Bukas pa naman mag-uumpisa ang trabaho kaya nakakahiya naman lalo na kay Madam Alessandra na palaging nandito sa mansiyon kapag hindi ako kumilos. Si Don Arturo kasi na Chairman ng Wise ay madalang lang umuwi rito kaya panay ang alis ni Madam kasama ang mga kaibigan niya at mahilig itong mag-shopping. Nang matapos na kaming kumain ng tanghalian, nagpahinga na muna kaming dalawa ni Cha sa kwarto namin at wala pa namang gawain. Inaayos ko na ang mga kailangan ko kagaya na lang ng uniporme ko na kakabigay lang sa akin ni Senyorito kaninang umaga. “Hindi pa rin ako makapaniwala sa magiging trabaho mo, Rose. Pero ayos lang ba talaga na kasama mo si Sir Benedict?” Napatigil ako sa ginagawa ko at napasulyap sa kaniya. “Hmm…medyo hindi pero kailangan kong kalimutan na lang ‘yon, Cha, at mas importante naman ‘tong trabaho na ‘to sa’kin. Tsaka, hindi naman alam ni Sir Benedict kaya kalimutan na lang natin.” “Ang laki lang talagang tanga ni Marie.” Napa-irap na ito sabay singhal. “Talagang ipapagalaw ka pa niya sa guwardiya, ha? Ano siya ngayon, si Sir Benedict pa ang nakasama mo sa kamay?” “Hoy, hinaan mo lang baka marinig tayo.” Napatingin na tuloy ako sa pinto na hindi nakasara. Ngumuso na sa akin si Cha sabay higa sa kama. “Paano kaya kung buntis ka, Rose?” Halos mabitawan ko ang uniform ko sabay harap sa kaniya. “Hoy, kumatok ka nga sa kahoy. Grabe naman na ‘yang mga iniisip mo sa’kin. Hindi naman siguro at alam kong ang mga kagaya ni Sir Benedict na tao ay maingat sa paggawa ng bata lalo na at nagiging tagapagmana pa naman ito.” “Eh, hindi ba’t lasing siya? What if hindi na gumamit ng condom?” “Hala naman, Cha. Naloloka ako sa mga tanong mo.” Tumayo na lang ako at sinamaan siya nang tingin. “Diyan ka na nga muna at iinom lang ako ng tubig sa labas. Nakaka-overthink isipin at hindi malayo sa realidad ang mga sinabi sa akin ni Cha, pero pilit ko na lang itong inaalis sa isip ko. Ang importante lang sa akin ngayon ay ang matupad ko ang pangarap kong gumawa ng designs sa isa sa pinakasikat na clothing line sa bansa. Walang makakapigil sa’kin. Wala. Kinabukasan, alas-tres pa lang ng madaling araw ay nakaligo na ako. Kahit na alas-syete pa ang call time sa boutique ay excited na kaagad akong pumasok kaya naligo na lang ako nang maaga. “Rose, you’re awake already.” Muntikan ko nang mabitawan ang bitbit kong tasa na may kape nang biglang may nagsalita sa likuran ko. “Jusko po, Senyorito. Pasensiya na po kayo, nagulat po ako.” “Oh, I’m sorry. I didn’t actually know that you’re already awake.” “Ayos lang po, Senyorito.” Ngumiti na ako sa kaniya. “Excited lang din po kasi ako sa unang araw ko sa trabaho.” Marahan akong tinapik nito sa kanang balikat ko sabay ngiti. “Good luck, Rose. I trust you as much as I trust Manang Claudia. I know you’ve got your talents from her.” “Salamat po, Senyorito. Hinding-hindi ko po kayo bibiguin.” Pasado alas-singko y media pa lang ay bumyahe na ako papunta sa boutique kung saan ako magtatrabaho. Gusto sana akong ihatid sundo ng driver ni Senyorito pero ayoko talagang tanggapin ito. Maliban sa nakakahiya, gusto kong maranasan na pinaghirapan ko talaga ang ginagawa ko. Nang makarating ako sa pinto ng boutique pasado alas-sais y media ng umaga, inayos ko na kaagad ang identification card ko pati na rin ang suot kong uniform. Alas syete pa naman ang call time kaya walang problema. Naka-corporate attire ako pero pagdating ko mamaya sa loob ay magbibihis naman ako ng komportableng damit para maka-start na sa pagdisenyo. “You’re late.” Nagulat ako nang makita si Sir Benedict na nakapamulsa ang dalawang kamay habang nakaharap sa akin. Hindi ko inaasahan na siya ang bubungad sa akin pagpasok ko ng boutique habang nasa likuran niya ang mga kasamahan ko. “S-sir, seven in the morning po ang c-call time—” “Are you questioning my authority?” pagputol nito sa akin. Umiling kaagad ako sa kaniya. “H-hindi po, Sir. Pasensiya na po kayo, hindi na po mauulit.” “You better not.” Marahang hinawi nito ang kaniyang black coat at humarap sa mga kasamahan ko. “Hadji has given me the permission to decide on the collaboration’s name. You will put Liliana’s for the name and make sure it’s fantastic.” “Copy, Sir!” “Noted po, Sir!” “Aja, Sir!” “Sweet naman po!” Sabay-sabay silang sumagot habang ako naman ay tahimik lang na nakatayo rito sa likuran. Maya-maya pa ay humarap na rin sa akin si Sir Benedict at dinaanan lang ako palabas ng boutique. “Oh shesh! Sana all, ginagawang tema para sa fashion week!” usal ni Max, ang singkit na babaeng maraming burloloy ang katawan. “Sinabi mo pa, Max,” dagdag ni Jane. “Bakit ano’ng meron?” pagtatakang tanong ko sa kanila. Gusto ko rin kasing mag-initiate ng conversation at ayokong isipin nilang hindi ako namamansin. Nilapitan na ako ni Max sabay ngiti sa akin. “Si Liliana kasi ang fiancé ni Sir Benedict. His bride to be na nakatakda silang ikasal sa mga susunod na buwan kapag official na ang pagiging CEO niya dito sa Zepher.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD