WILLIAM Tama nga sila, wala kang hindi kayang gawin para sa babaeng mahal mo. Noon talaga ay hindi ako naniniwala sa commitment. Hindi ko nga nakikita ang sarili ko na mag-aasawa ako. Pero habang tumatanda ako ay unti-unting nagbabago ang lahat. Nagsimula akong mag-negosyo noong eighteen pa lang ako. Habang nag-aaral ako ay pinapalago ko ang negosyo ko. At hindi naman ako nabigo dahil nakapag-invest ako sa stock market. Nakapag-patayo ako ng sarili kong company. Pero pangarap ko talaga na maging isang guro kaya iyon talaga ang pinursue ko. Nang makapasa ako sa board exam ay naging target ko ang magturo sa college kaya talagang pinagbutihan ko pa. Pinagsabay-sabay ko ang negosyo at pagtuturo. Naging isa ako sa may-ari ng University. Nagtayo ako ng mga hotel at mall. Hindi ko rin alam k

